Kaninong pakulo ang demolisyon vs Bishop Cruz?
June 25, 2005 | 12:00am
SIGURO marami ang lalong nagngingitngit ngayon sa administrasyon matapos lumantad ang isang nagpakilalang dating sakristan para akusahan ang anti-jueteng crusader na si Archbishop Oscar Cruz ng sexual abuse.
Unbelievable kasi agad ang diskarte nitong si James Aquino nang magtungo sa tanggapan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para ireklamo si Cruz. Naroroon ang arsobispong kanyang inaakusahan pero hindi niya nakilala. Kinailangan pang ituro ng mga taga-media sa kanya si Cruz.
Bagamat panay ang banat ko sa administrasyon sa harap ng mga nakasusulasok na usaping kinakaharap nito, hindi ko agad ipaparatang dito ang demolition job. Puwede kasing pakulo ito ng mga jueteng lords na nasagasaan ang negosyo dahil sa jueteng exposé ni Cruz. Puwede ring pakana ng administrasyon porke mismong ang mga mahal sa buhay ni Presidente Arroyo ang direktang idinadawit.
Pero teka, huwag nating kalilimutan na may motibo rin ang oposisyon para gawin ito. Sa anong dahilan? Eh di para lalong manggigil sa galit ang taumbayan sa administrasyong Arroyo.
Bago pa man mangyari ito, hinulaan na ni Cruz na dahil sa kanyang walang takot na pagbubunyag, malamang may isang taong lalantad upang gibain siya. And so it came to pass.
Inamin ni Cruz na bago pa man ang pangyayaring ito, binalaan na siya ng oposisyon na may lalantad upang siyay kasuhan ng sexual abuse para ma-discredit ang kanyang mga testimonya laban sa jueteng. Bakit alam agad ng oposisyon?
Blackeye ito sa administrasyon kung ang taumbayan ay hindi nag-aanalisa. Sa harap ng tensyong politikal, hinay-hinay tayo ng paghuhusga kung sino ang nagkasala.
Sa tindi kasi ng giyera politikal at sa husay ng estratehiya ng magka-bilang kampo, mahirap tukuyin kung sino ang paniniwalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended