Ang mga pekeng optometrists ay ang mga nag-aaral ng optometry pero hindi nakatapos at iyong mga nakatapos ng kurso pero hindi naman pumasa sa pagsusulit ng Board of Optometry at ang mga nagtatrabaho sa optical clinic at nagre-refract kahit hindi lisensiyado.
Ayon sa dalawang doktor marami nang mga optical na inooperate ng mga pekeng optometrists ang paglipana sa Metro Manila kaya dapat ang masusing pag-iinspeksyon ng mga awtoridad. Alamin kung lisensiyado ang optometrists at kung mapatunayang hindi, arestuhin at ipasara agad ang naturang klinika. Mapaparusahan ng isa hanggang walong pagkabilanggo ang mga pekeng optometrists.