^

PSN Opinyon

Cancer sa bibig at constipation

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Cielito Mahal Del Mundo -
HINDI gaya ng cancer sa suso, matris, buto, apdo at iba pang klaseng cancer kaunti lang ang nakababatid na puwede ring magka-cancer sa bibig. Ang cancer sa bibig ay makikita sa mga labi at dila. Mapupuna na ang cancer sa bibig ay mapula at matigas na animo’y bukol na may sugat na hindi gumagaling. Ito rin ang dahilan kung bakit sumasakit ang ngipin at taynga. Nahihirapan ding lumunok at magsalita ang may cancer sa bibig.

Napag-alaman na ang paninigarilyo at pag-inom ng alak ay mga risk factor sa pagkakaroon ng cancer sa bibig.

Ang pagnganganga na gamit ang apog at bunga at ang paghithit ng tabako ay maaaring maging dahilan para magka-cancer sa bibig. Napag-alaman din na ang sirang ngipin, namamagang gilagid gayundin ang depektong pustiso ay puwede ring maging sanhi ng cancer sa bibig.

Ang cancer sa bibig ay ginagamot ng operasyon, radiation theraphy at chemotherapy.

Ang constipation ay nagiging dahilan para magdugo at humapdi ang tumbong. Ipinapayo ng mga doktor na kapag nararamdaman ang pagdumi ay agad gawin ito. Importante ang bowel movement sa araw-araw.

Karaniwang sanhi ng constipation ay ang maling nutrisyon at ang hindi pag-inom nang maraming tubig. Ipinapayo na uminom ng walong basong tubig bawat araw. Importante rin na mag-exercise at kumain ng mga sariwang prutas at gulay.

Dapat ding mag-ingat sa matagal na paggamit ng stimulant laxatives na makapipinsala sa bituka. Ang paglalabatiba ay malaking tulong din.

BIBIG

CANCER

DAPAT

IPINAPAYO

KARANIWANG

MAPUPUNA

NAHIHIRAPAN

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with