^

PSN Opinyon

Pagtupad sa kautusan

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA isang pamayanan na umuunlad pa lamang o maunlad na, may mga nagpapanukala ng mga batas upang maging ligtas ang mga kaanib nito. At mayroon ding naatasan upang magpatupad ng mga naturang batas upang siguruhing ang mga ito ay talaga ngang umiiral para sa kabutihan ng lahat.

Sa larangan din ng buhay-pananampalataya, may mga batas na umiiral upang ang pakikitungo sa Diyos at sa kapwa ay maging maayos at ayon sa ikabubuti ng kaluluwa at espiritu.

Datapwat maging sa lipunan at buhay –pananampalataya, ang batas ay hindi naipapatupad o nalalabag dahil na rin sa mga maling pagpili at pagdidisisyon ng mismong mga tao na ang iniisip ay sariling kapakanan lamang o di-kaya’y "napadala" sa kahinaan ng sarili at udyok ng tukso na bunsod ng masamang espiritu.

Mainam na pagnilayan ang mismong turo ni Jesus hinggil sa Kautusan (Mt. 5:17-20).

"Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang mga Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: Magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos. Sinasabi ko sa inyo: Kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.’"


Maging sa pagsunod sa atas ng tao o sa kautusan ng Diyos, ang unang hinihingi sa atin ay disiplina: Ang wastong pagkontrol sa sarili upang makatupad at makasunod sa mga alituntunin na makabubuti para sa lahat at para sa sarili na rin.

DATAPWAT

DIYOS

HUWAG

KAUTUSAN

KAYA

MAGWAWAKAS

MAINAM

NAPARITO

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with