Tithe system sa paniningil ng buwis
June 2, 2005 | 12:00am
MAY isang multi-sectoral group na nagsusulong sa implementasyon ng flat tax. Ang grupo ay ang National Reform Association (NRA)na binubuo ng mga retiradong heneral, ehekutibo ng pamahalaan at mga lider ng simbahan. Sa konsepto, wala nang sisingilin pang buwis maliban sa sampung porsyento ng lahat ng uri ng income. Maganda. Pero duda ako kung uubra ito sa bansa.
Maganda at aprub sa akin ang konsepto. Sa dinami-dami ng buwis na dapat bayaran sa kasalukuyang sistema, itoy nagiging ugat ng corruption. Imbes na mapunta nang buo ang buwis sa kaban ng bayan, ang malaking partey naiimbudo sa bulsa ng mga kurakot. Ang flat tax ay hango sa practice ng mga Kristiyano na "tithing" o pagkakaloob ng sampung porsyento ng kita sa simbahan. Wala nang iba pang sisingiling VAT at kung anu-anong butaw na nagpaparusa sa taumbayan na katiting na lang ang kinikita.
Kung tutuusin, dinaig pa ng gobyerno ang Diyos na ang hinihingiy sampung porsyento lang ng income. Sabi nga ng utol ko sa pananampalataya na si ex-Manila Councilor Grepor Butch Belgica na kasama sa proponents ng flat tax, "hindi maka-Diyos" ang umiiral na tax system ng bansa.
Nalulungkot lang ako dahil ayon kay Bro. Butch, minsang namungkahi niya ito sa isang mataas na opisyal ng gobyerno, ang sabi kanyay "susuportahan kita pag wala na ako sa gobyerno". Short of saying huwag muna pare at nakikinabang pa ako eh. Hindi tatanggapin ng demonyo ang sistema ng Diyos.
Sana, sana lang, bawat Pilipino ay tunay na maka-Diyos na ang pananampalataya ay hindi lang dekorasyon ng pagkatao kundi nasa puso. Kung magkagayon, uubra ang flat tax system. What we need is to convert each heart to real-to-goodness godliness. Then and only then, magiging epektibo ang flat tax system.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended