^

PSN Opinyon

Subscribers dumepensa sa Sun Cellular

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ANG SULAT NI JC CUNANAN NG MAKATI CITY TUNGKOL SA SUN CELLULAR "DREW PROTESTS" MULA SA MGA SUBSCRIBERS NITO.

"Ang hirap kay Mr. Cunanan sa halip na magpasalamat na merong isang Sun Cellular company na ang inisip ang kapakanan namin na nakikinabang dahil sa murang singil nila, pilit na sinisiraan niya ito upang pabagsakin! Pakawala yata ito ng mga ibang communication corporation na naapektuhan na dahil marami na talaga ang nagiging praktikal at lumilipat sa paggamit ng Sun," ayon kay Gloria Alberto, isang mambabasa ng "CALVENTO FILES" na tumawag sa akin upang ibigay ang kanyang reaksyon.

"Typical na spoiled brat itong si Mr. Cunanan na ibinigay na ang kamay gusto pa ang buong braso. Gusto pa yata nito ang buong katawan. Natural na ma-kaclog ang airlanes at magkakaroon ng delay sa pagtawag dahil marami talagang nakikinabang sa kanilang "give away" na handog sa atin, lalu na ngayon sa panahon ng tag-hirap ng buhay dahil sa taas ng mga bilihin," sabi naman ni Ina Canonigo ng Quezon City.

Sinabi ko nung una pa lamang sa aking artikulo nung Biyernes na pinilit kong hindi makisawsaw sa sigalot ng mga Communication Companies na humantong na nga sa husgado dahil sa reklamo ng kanilang mga rival companies na mukhang naapektuhan sa kanilang sales dahil "by the millions" ang lumipat sa Sun para ma-enjoy nila ang kakaibang baba ng presyo para sa Short Messaging Service at tawag sa mobile phone.

Maliban pa rito, magiging "bias" ako para sa Sun Cellular dahil mismo ang aking anak na si Sonny, isang incoming Freshman college student ay gumagamit ng Sun at hindi nagrereklamo. Bagkus ang buo niyang barkada ay lumipat na sa Sun mula sa dati nilang gamit.

Hiningi ko ang kanyang opinion sa sulat ni Mr. Cunanan.

"From the start, we already anticipated that there will come a point in time na magsasabay-sabay ang mga gumagamit ng Sun. Magkakaroon ng delay, mahihirapan sa signal at drop calls but the bottom line remains, it is still worth it to use Sun dahil napaka-friendly ng kanilang presyo na ibinibigay sa kanilang mga subscribers.

"When the other companies are thinking of profit alone, Sun stands-out dahil lumalabas na hindi lamang kita para sa kanilang company ang kanilang objective," ayon sa anak kong si Sonny.

Sabi pa ng aking anak na habol ng mga teen-agers na katulad nila para makakuha ng "best offer at the lowest possible price" and instead of complaining, whining and wailing, magpasamalat sa Sun dahil hindi malaking portion ng kanilang allowance ay napupunta lamang sa kabibili ng mga prepaid cards.

"I have a group ang Barkada Trese at iba pang mga schoolmates have been patronizing Sun and the benefits of their 24/7 scheme and since then, hindi na namin naririnig ang aming parents na nagrereklamo tungkol sa gastos sa pagbili ng prepaid cards," mariing sinabi ni Sonny.

Sonny graduated from high school ito lamang March. President siya ng kanilang class at Editor-in-Chief ng kanilang news magazine sa school. Straight from his mouth nalaman ko nung Sabado, habang nasa Baguio kami ang kanyang reaksyon ng basahin niya ang liham ni Mr. Cunanan.

"I suspect itong si Mr. Cunanan ay wala ng ginawa kundi magbabad sa kagagamit ng Sun. It would be also fair if he weighs the good and the bad over the issue of using Sun. How long has he been using Sun at magkano na ba ang nabayad niya dito? Hindi ba ito sulit? I am sure na tulad namin malaki na ang kanyang pakinabang sa 24/7 scheme ng Sun,"

"Tungkol sa isyu na Sun is resorting to a "Pyramid Scheme" nais ko rin sabihin na ang ginawa ng Sun is to break away from a monopoly ng market na nagdidikta ng price na gusto nila. Binaba nila talaga ang presyo," ayon kay Sonny.

Nalaman ko rin na bihira lamang (halos wala nga yata) ang mga naka-iiritang text messages mula mismo sa communication servers na gamit natin na walang ginawa kung hindi tuksuhin tayo na sumali sa kanilang mga palaro na dapat sana ay hindi nila ginagawa yun because we have our right to privacy. Kung minsan kasi, biglang mag me-message alert ang aking mobile phone na private naman ang number dahil line ito, at ang mababasa ko ay promo message na sunod-sunod mula sa kanila. Ganun din yung aking Globe line.

Si Sen. Mar Roxas nga yata ay minsan ng pinuna ito subalit hindi na natin narinig pa kung ano ang kinahinatnan ng kanyang reklamo sa ganitong uri ng practice mula sa Smart at Globe. Ano na nga ba ang nangyari Mr. Palengke?

Ako mismo asar na makatanggap ng messages na hindi naman galing sa isang kaibigan o kakilala. Putris, bubunutin mo pa ang iyong mobile phone, titingnan mo dahil baka importante, tapos ang lalabas lamang ay promo nila.

It is a fact that millions of Filipinos own and use a mobile phone. Tayo na nga ang biggest texting country sa buong mundo. Despite being Third World country ang mga Pinoy ay patuloy na nagtetext sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan at kakilala. We are facing hard times and people want to be practical. Ang anila ay ang "alternative product" na affordable but would still do the job just as well.

"I am very much contented with my Sun. Kami rin ng mga barkada ko ay yung tipo na we don’t mind falling in line to wait just as long we get the best priced deal. We don’t have this attitude na kailangan una kami dahil kung ang hanap mo talaga ay ang isang bagay that fits your budget, you should be willing to stand in line just to get it," ayon kay Sonny.

True enough, napapansin natin ang mga kababayan natin at maski na sa ibang bansa na dinadagsa ang mga malls kapag may "sale." Nakapila ang ating mga drivers sa service station kung saan may discount ang Diesel.

"Let us not only be practical but realistic about what we truly can afford para hindi tayo mabaon sa utang. I am happy with my Sun and so are my friends," says my Son, Sonny!

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

NAIS kong pasalamatan ang mga PNP officers na assigned sa Domestic Airport para sa assistance nila sa akin at sa aking dalawang anak. Sina SP04 Jerry Bandoma at si SPO2 Virgilio Alano. Mabuhay kayong dalawa.

I also would like commend the great service sa Asian Spirit flight papuntang Baguio nung Friday morning. The flight crew was very professional, lovely and friendly.

Salamat din kina Hermie Q. Villanueva, Station Manager ng Asian Spirit sa Baguio at kay Ms Lingling L. Rodriguez, Sales and Marketing Consultant.
* * *
E-mail address: [email protected]

ASIAN SPIRIT

DAHIL

KANILANG

MR. CUNANAN

NILA

PARA

SUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with