^

PSN Opinyon

Kastiguhin mo si Bong Pineda, Mrs. President

- Al G. Pedroche -
WHEN President Arroyo waged an all out war against jueteng, some people took her statement with a grain of salt. Hindi natin masisisi ang tao magduda man sa sinseridad ng Pangulo. Baka ito’y isa lang face-saving measure porke idinadawit ang kanyang pamilya sa ilegal na gawaing ito. Baka ang "utos" ay sa salita lang at kapos sa gawa. Yun bang huwag lang masabing walang aksyon sa problema.

Pero puwede niyang patunayan na talagang determinado siyang pag-usigin ang mga "malalaking isda" sa jueteng operations sa bansa. Papaano? Habulin niya ang kilalang "jueteng lord" na kumpare niya. Si Rodolfo "Bong" Pineda. Si Pineda ang pinaghihinalaang pinakamalaking jueteng lord na may operasyon sa Luzon.

Mariing pinabulaanan ng Pangulo kamakailan na tumatanggap siya o sino mang miyembro ng kanyang pamilya ng payola sa jueteng. She vehemently belied accusations that her husband Mike, her son Rep. Mikey and herself are benefitting from the illegal numbers game. I want to give Mrs. Arroyo the benefit of the doubt (or is it the doubt of the benefit?).

Open secret ang kanyang kaugnayan sa kabalen at kumpare na si Bong Pineda. Noon pa man ay napatsismis na tumatanggap ng financial support si Mrs. Arroyo tuwing kakandidato. Sabi nga ni opposition Congressman Chiz Escudero, laging may madilim na anino ng pagdududa kay Mrs. Arroyo hangga’t hindi siya umaaksyon laban kay Pineda. How true.

Nasa United States man ngayon si Pineda, dapat itong pauwiin sa Pilipinas para papagpaliwanagin sa jueteng. Kayang gawin ito ng Pangulo kung gugustuhin. Maliban na lang kung mas matimbang sa kanya ang kanilang pagiging mag-kumpare’t kumare ni Pineda. Magiging inutil at walang silbi ang "giyera" ni Gloria laban sa jueteng hangga’t di niya ginagawa ito. Magiging pure lip service and empty rhetorics.

Tama ang teorya ni Escudero. Si Presidente ang magpapasan sa ano mang pananagutan sa batas ni Pineda kapag nagkataon.

BONG PINEDA

CONGRESSMAN CHIZ ESCUDERO

JUETENG

MAGIGING

MRS. ARROYO

NASA UNITED STATES

PANGULO

PINEDA

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with