^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Palpak na kampanya sa illegal na gumagamit ng police sirens at blinkers

-
MARAMING beses nang nagbanta ang Philippine National Police (PNP) at maski ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na huhulihin nila ang mga illegal na gumagamit ng mga police siren at blinkers at iba pang devices. Pero hanggang ngayon, inutil ang PNP at MMDA sa paghuli sa mga abusadong motorista. Naglipana ang mga may wangwang sa kalsada at nakatunganga lang ang mga nagtatrapik na pulis at MMDA. Sabagay, mas nagiging abala sila sa paghuli sa mga motoristang mayroon silang madedelehensiyahan.

Lalo pang naging garapal ang paggamit ng mga sirens at blinkers ng mga civilians nang lantaran din namang umabuso ang maraming public officials na walang kahiya-hiyang hinahawi ang trapik sa pamamagitan ng kanilang escorts. Lalong dumami ang makakapal ang mukha sapagkat naging halimbawa ang mga opisyal ng gobyerno na naging instant VIP. Inabuso na ang pribilehiyo.

Karaniwan nang makikita ngayon ang mga may police escorts na pulitiko o government officials. Dalawa o tatlong nakamotorsiklong pulis ang mabilis na papagitna sa kalye at matitikas na patitigilin ang agos ng mga sasakyan. Matatapang pa ang mga police escorts na para bang nabili ng kanilang pinagsisilbihang pulitiko o opisyal ang kalye. Matatalim ang kanilang mga mata kapag may motoristang ayaw huminto at bigyang daan ang kanilang inieskortang VIP.

Pero ang nakadidismaya’y hindi lamang pala pulitiko o opisyal ng gobyerno ang inieskortan kundi pati na rin ang asawa, anak, at maski ang "kabit" ng pulitiko o opisyal. May naka-assigned din palang security convoys sa pamilya. Ngayon pati mga negosyante ay may mga escorts na rin. Kabilang na rin sila sa "hari" ng kalsada na kapag dumadaan ay kailangang tumigil ang lahat. Ganyan ang nagagawa ng pera sa panahong ito.

Hindi na nga nakapagtataka kung dumami ang mga may illegal na police sirens at blinkers. Nakita nilang maaari namang hawiin din ang kalsada sa pamamagitan ng mga devices na ito. Maaari ring maging VIP kagaya ng mga makakapal ang mukhang pulitiko, government officials at negosyante.

Hindi kayang ipatupad ng PNP at MMDA ang paghuli sa mga makakapal ang mukhang humahawi sa kalsada. Ang kinakaya lamang nila ay mga kawawang jeepney driver, karaniwang motorista, truck driver na lumalaban ng parehas sa kalsada. Tameme sila kapag nakarinig ng wangwang at bahag ang buntot sa takot.

vuukle comment

DALAWA

GANYAN

INABUSO

KABILANG

KARANIWAN

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with