^

PSN Opinyon

Misis ng congressman nagpagawa ng pekeng diploma sa Recto

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nagpagawa ng pekeng diploma at transcript of records sa C.M. Recto, Manila ang misis ng isang congressman?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Atty. Cynthia Ruiz ng Metrobank; Kurt Badolina, Abelardo "Amang" Lim, Lui Virtucio at Luis Rivera ng MBC.
* * *
Alam n’yo bang nagpagawa ng pekeng diploma sa Recto ang misis ng isang congressman upang palitawin na siya ay nakatapos sa kolehiyo?

Ayon sa aking bubuwit, nagbabalak palang kumandidato ang misis ng congressman kaya gusto niyang pagandahin ang image lalo na ang educational background.

Nababahala pala si Misis na baka kuwestiyunin ang kanyang educational background kaya gumawa na siya ng paraan para masabing edukada.

Ayon sa aking bubuwit, si misis ay nagpagawa ng pekeng diploma at transcript of records na nagpapakita na siya ay graduate ng Business Administration sa University of the East.

Ayon pa sa aking bubuwit, upang hindi naman masyadong halata na walang tinapos na kurso, nag-aral din pala siya sa isang finishing school upang maging finess at magmukhang sosyal sa pakikisalamuha sa mga tao. Para hindi naman daw siya kahiya-hiya kapag nakakasama ang mga edukadang misis ng mga kongresistang kasapi ng Congressional Spouses Foundation.

Gusto raw mabago ni Misis ang kanyang pananalita, pagkilos, pananamit at paglalakad kaya nag-aral siya sa Cora Doloroso School sa Pasay Road, Makati City.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang misis ng congressman na nagpagawa ng pekeng diploma sa Recto at nag-aral din sa finishing school upang magmukhang edukada ay si…

Siya ay naghahanda umano sa pagkandidato bilang kongresista rin kapag natapos ang termino ng kanyang mister.

Ang naturang misis ay nagsimula na ring umikot sa distrito ng asawang congressman upang makilala nang husto.

Ang misis ng congressman na nagpagawa ng pekeng diploma sa Recto ay walang iba kundi si… Siya ay misis ni Congressman J as in Jemaah.

vuukle comment

AYON

BUSINESS ADMINISTRATION

CONGRESSIONAL SPOUSES FOUNDATION

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN J

CORA DOLOROSO SCHOOL

CYNTHIA RUIZ

MISIS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with