^

PSN Opinyon

Sariling enerhiya panlunas sa sakit

SAPOL - Jarius Bondoc -
KAGILA-GILALAS ang napanood ko sa CNN nu’ng 1997, kaya hangga ngayo’y naaalala ko pa. Kainitan noon ng anti-Chinese riots sa Jakarta. Pasugod ang ilang daang demonstrador sa police phalanx. Bigla na lang may humelera sa harap na isang dosenang di-armadong naka-uniporme. Tinutok nila ang kanilang mga kamao sa rioters na sampung metro na lang ang layo. Biglang nagsibuwal sa kalsada ang mga sumusugod, pero wala namang water cannon o tear gas o bala ng baril. Na-stun sila.

Nu’ng Oktubre 2004 ko lang nalaman ang sekreto ng Jakarta police. ‘Yun palang pinangtumba nila sa kalaban ay enerhiya mula sa sariling katawan. Isa palang Indonesian martial art at healing art ‘yon, tawag ay Kalimasada. Hindi nakakamatay kung ayaw ng gumagamit, pero sapat na pabagsakin ang kalaban. O kaya’y gumamot ng karamdaman.

Nabalitaan kong may nagtuturo ng Kalimasada sa U.P.-Vanguard Bldg., Diliman, Quezon City. Pinasyalan ko’t pinanood. Akala ko pa nga, may sa-demonyo ang di-pangkaraniwang kaalaman. Pero hindi, sa simula ay nagdadasal muna sila sa Diyos. Saka sila nagbi-breathing exercise para marating ang alpha state–ang lagay ng utak na pinaka-relaxed pero alert. Parang yoga ng India, o tai-ichi ng China. Saka sila nag-"jurus"–exercises na pampatalas ng chakra, ang enerhiya sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Matapos ang 90 minutos, nag-self-healing sila at nagdasal. Saka sila nag-demonstrate ng mga kagila-gilalas na applications.

May nagbalot ng self energy sa light bulb. Binagsak ito sa semento; nagpatalbug-talbog lang ang bulb imbis na mabasag. Meron ding nagbalot ng self energy sa fluorescent lamp, saka ito tinuntungan sunud-sunod ng tatlong tao; hindi rin sumabog. May apat na bumuhat sa isang kasamang nakatayo sa tatlong pahina ng diyaryo. Dalawang talampakan ang taas, hindi napunit ang papel. Ang enerhiya nila ay nagagamit sa paglunas ng sakit sa puso, baga, internal organs, ulo. Pati sa pilay, sipon o katarata.

Kung nais pang matuto ng Kalimasada, panoorin mamayang 11 ng gabi ang Linawin Natin sa IBC-13. Naroon kung paano sumali.

BIGLA

BIGLANG

BINAGSAK

DALAWANG

DILIMAN

KALIMASADA

LINAWIN NATIN

QUEZON CITY

SAKA

VANGUARD BLDG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with