EDITORYAL Malala na ang kriminalidad
May 17, 2005 | 12:00am
SUNUD-SUNOD ang mga nangyayaring krimen. At hindi lamang karaniwang tao ang nabibiktima kundi maging ang mga may katungkulan sa gobyerno at pati ang mga miyembro ng media. Ang mga pagpatay ay naging karaniwan na lamang at sa mga nangyayaring ito, maitatanong kung kontrolado pa ba ng Philipine National Police ang sitwasyon. Gumagawa pa ba ng paraan ang PNP para mapigilan ang lumalalang paglobo ng kriminalidad?
Binaril at napatay ang dating Pasig congressman na si Henry Lanot habang kumakain ng tanghalian sa isang restaurant sa Ortigas noong April 13, 2005. Isang buwan na ang nakalilipas subalit nakaharap pa rin sa blankong pader ang mga awtoridad. Sinasabing pulitika ang dahilan ng pagpatay. Isang lalaki umano ang lumapit sa mesang kinakainan ni Lanot at walang anumang binaril ito. Napasubsob sa mesa si Lanot. Hindi naman nakakilos ang mga kasamang kumakain. Walang anumang tumakas ang suspect.
Noong April 24 ng kasalukuyan ding taon, natagpuang patay ang isang mataas na opisyal ng Department of Foreign Affairs sa kanyang bahay. May mga suspect nang nadakip subalit ang mastermind ay hindi pa matiyak nang lubusan.
Hindi na ligtas ang mamamayan sa mga holdaper sapagkat umaatake kahit sa katirikan ng araw at sa harap pa mismo nang maraming tao. Katulad nang ginawang pagholdap sa mag-asawang Tsinoy sa Araneta Avenue, Quezon City kamakailan lamang. Ang masaklap bukod sa hinoldap na ay walang awa pang binaril ang mag-asawa. Nag-withdraw nang malaking halaga ng pera ang mag-asawa sa banko subalit nasundan ng mga holdaper. Wala namang mga pulis na naka-ayuda ng mga oras na iyon sa mag-asawa. Kakatwang walang pulis gayong ang lugar ay isang matao at matrapik na lugar.
Parang manok na pinapatay ang mga miyembro ng media. Pinaka-huling pinatay ang publisher-editor na si Philip Agustin. May nahuli nang mga suspect pero ang "utak" ng pagpatay ay hindi pa mabatid ng PNP. Sabi ni DILG Sec. Angelo Reyes bakit daw masyadong nabibigyang pansin ang pagpatay sa mga journalists kaysa sa mga napapatay na pulis at sundalo. Parehas lang naman daw ang mga ito. Inamin din ni Reyes na hindi mabibigyan ng seguridad ang mga miyembro ng media.
Mas mataas ang nangyaring krimen ngayong 2005 kaysa nakaraang taon. Ngayon ay umabot na sa 15, 221 kaso kumpara noong 2004 na 13,774 kaso.
Maraming loose firearms. Ito ang isa sa mga dahilan kaya laganap ang krimen sa bansa. Kailan mabibigyan ng prayoridad ni PNP chief Arturo Lomibao ang problema sa mga nagkalat na baril? Ewan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended