^

PSN Opinyon

Dr. Ray Punongbayan tunay na SAPAT

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
ISANG malaking kawalan para sa ating bayan ang pagpanaw ni Dr. Ray Punongbayan, dahil sa isang helicopter crash. Si Ray ang dating Director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Napamahal siya at naging popular sa mga Pilipino dahil sa kanyang tapat na serbisyo sa ating bayan pagdating ng mga sakuna katulad ng lindol at lahar. Hindi lamang siya masipag, matiyaga pa siyang mag-paliwanag sa ating lahat kung ano ba talaga ang problema, at ano nga ba ang dapat nating gawin sa mga oras ng peligro
* * *
Sa aking paningin, kung mayroon mang dapat bigyan natin ng "Service Acceptable to Public Acclaim and Trust" (SAPAT) award, si Ray na dapat ang nangunguna. Bilang patunay sa kanyang katapatan sa public service, minarapat pa niyang ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa bayan kahit siya ay nag-retire na. Dahil sa kanyang kagalingan, minarapat pa ng Philippine National Red Cross (PNRC) na gawin siyang isang Board Director at yan naman ang dahilan kung bakit napasama si Ray doon sa helicopter crash
* * *
Ayon sa mga balita, lumakad daw si Ray kasama ang kanyang mga kapwa experts dahil kailangan nilang tingnan ang isang bahagi ng Luzon na may panganib na magkakaroon ng landslide. Sa kasamaang palad, tumama ang kanilang sinasakyan na helicopter sa isang bundok, na naging dahilan ng kanilang pagkasawi. Bakit tunay na nararapat sa kanya ang SAPAT award? Kung inyong matatandaan, madalas mangyari na wala tayong naririnig sa ibang mga ahensiya ng gobyerno pagdating ng mga sakuna. Di natin alam kung sila ay nagtatago ’di kaya mahiyain, ngunit iba si Ray, dahil lagi natin siyang nakikita at naririnig at walang tigil na nag-uulat at nagpapaliwanag sa atin
* * *
Hindi pa malaman kung ano talaga ang naging sanhi ng aksidente. Madaling sabihin na ang kalumaan ng Huey helicopter ang naging dahilan sapagkat Vietnam vintage pa ito, ngunit kung kalumaan ang dahilan, dapat permanently grounded na ang mga yan. Saka, hindi naman natin magagawa yan, dahil baka mawalan na tayo ng mga helicopter kung yan ang ating maging desisyon. Hindi kaya poor maintenance ang sanhi ng sakuna? Kung ganyan ang usapan, tiyak na mauuwi na naman sa kakulangan ng budget ang magiging palusot, kaya saan na tayo pupulutin n’yan? Wala naman akong direktang pinapatamaan, ngunit hindi kaya nararapat lang na bigyan natin ng "Service Unacceptable to Public Opinion and Trust (SUPOT) award ang mga opisyal na may pananagutan sa maintenance ng nasabing helicopter

Hanggang sa susunod na linggo po

Para sa inyong reaksiyon, mag-email po sa [email protected]

BOARD DIRECTOR

DR. RAY PUNONGBAYAN

KUNG

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

PUBLIC ACCLAIM AND TRUST

PUBLIC OPINION AND TRUST

SERVICE ACCEPTABLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with