^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Anim na journalists na ang tinitigok

-
NAGKAKAROON ng katotohanan ang ipinalabas na report ng New York based Committee to Protect Journalists (CPJ) noong nakaraang linggo na ang Pilipinas ang pinaka-murderous na bansa para sa mga mamahayag. Noong Martes isa na namang mamamahayag ang itinumba. Kakain ng hapunan dakong alas-onse ng gabi ang publisher-editor ng Starline Times Recorder na si Philip Agustin, 53, nang barilin sa bahay ng kanyang anak sa Purok Mulawin, Dingalan, Aurora. Nagulat na lamang ang anak ni Agustin nang biglang makarinig ng putok at pagkaraan ay bumagsak ang kanyang ama sa sahig. Umagos ang dugo. Umano’y sa bintana nagdaan ang balang pumatay kay Agustin. Hinihinala ng pamilya ni Agustin na ang pagpatay ay may kaugnayan sa sinulat niya sa kanyang newspaper. Ang artikulo ay tungkol sa corruption sa Dingalan kung saan tinatawagan niya si Mayor Jaime Ylarde na ipaliwanag ang nawawalang pondo ng bayan. Itinanggi naman ni Ylarde na may kaugnayan siya sa krimen. Handa umano siyang sumailalim sa imbestigasyon.

Si Agustin ang ika-anim na mamamahayag na pinatay ngayong 2005. Isang linggo lang ang pagitan ni Agustin at ng broadcaster na si Klein Cantoneros. Binaril at napatay si Cantoneros noong May 4.

Bukod kina Agustin at Cantoneros, napatay din sina Edgar Amoro (February 2), Arnulfo Villanueva (February 28), Romeo Sanchez (March 9) at Marlene Esperat (March 24). Marami pang pinagtangkaang pataying journalists at mayroon din namang nakaligtas.

Nakababahala na ang sunud-sunod na pagpatay sa mga mamamahayag na parang manok na lang na binabaril ngayon. At sa kabila na maraming pinapatay na journalists, wala pa namang nadarakip na "utak". Blanko ang pulisya at nangangapa sa mga nangyaring pagpatay sa mga journalists.

Nang barilin ang matapang na si Marlene Esperat noong Huwebes Santo sa sarili niyang bahay, sinabi ng pulisya na tututukan nila ang kaso pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang nagpapatay sa kanya. Ang pagpatay kay Esperat ay may kaugnayan din sa katiwalian sa gobyerno na kanyang isiniwalat sa kanyang column. Binaril si Esperat sa harap mismo ng kanyang mga anak at ang masaklap, Huwebes Santo pa ito isinagawa.

Mabagal kumilos ang pulisya. Hindi kataka-taka kung marami sa mga mamamahayag ang naghahangad na magkaroon ng armas para proteksyon nila. Walang magawa ang PNP sa mga loose firearms. Ano nang nangyayari?

Ang pagpatay sa mga mamamahayag ay isang malaking hamon sa hepe ng PNP.

AGUSTIN

ARNULFO VILLANUEVA

BINARIL

CANTONEROS

DINGALAN

EDGAR AMORO

ESPERAT

HUWEBES SANTO

MARLENE ESPERAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with