^

PSN Opinyon

Pasyal kasaysayan sa Isla Corregidor

SAPOL - Jarius Bondoc -
MASAYA, magaan at malaman ang tour ko kamakailan sa Corregidor. Sa takdang oras, 8 a.m., lumarga ang Sun Cruises ferry mula sa Terminal 2 sa gilid ng Cultural Center. Magalang ang crew, malamig ang air-con. Sa 75-minutong biyahe pa lang nagkukuwento na ang dalawang tour guide, sina Elaine at ang komikerong si Pol ("Ako si Pol, ‘police’ pero walang ‘ice’.")

Komportable ang trambiya sa isla. Habang binabaybay ang concrete roads paakyat-baba ng gubat, inisa-isa ni Pol ang pakay ng bawat marker: Paggunita sa mga opisyal Pilipino o Amerikano ng Philippine Army o USAFFE, sa nurses na nabingit-buhay, sa mga nasawi sa pagtatanggol ng kalayaan kontra dayuhan. Kabisado ni Pol ang petsa ng pagtayo ng mahahabang barracks – 200 metro mahigit, tig-dalawang palapag – ng sundalo’t officers. Alam niya ang range ng 10- at 12-inch cannons sa 10 gunneries. Maiisip mo tuloy ang pinsalang sinapit ng mga nakanyong eroplano, barko at bases ng Hapon sa Cavite at Bataan. Detalyado rin ang kuwento ni Pol sa pagwasak sa gunneries ng walang-humpay na pagbomba ng kalaban. Mai-imagine mo kung paano nagkalasug-lasog ang katawan ng matatapang na sundalong nagtanggol sa "The Rock".

Kasama na sa tour ang buffet lunch sa Corregidor Inn, isa sa tatlong maaring tulugan kung nais mag-overnight, bukod sa hostel at resort.

Nakakagitla ang museo. Nakatabi roon ang lumang revolvers, rifles, pistols, at machineguns na ginamit ng mga Pilipino, Amerikano at Hapon. Pati mga pera’t barya nila noon, mga pinggan at tasa, kutsara’t tinidor, larawan at laruan ay na-preserve.

Highlight ng tour ang light-and-sound presentation sa loob mismo ng Malinta Tunnel kung saan may dating ospital at quarters nina President Quezon at Lt. Gen. Wainwright. Akda ni national artist Lamberto Avellana ang script, disenyo ni national artist Manuel Casal ang sculptures. Pasyal-kasaysayan ang show sa hirap na sinapit ng mga pinuno. Sa huli ng show, tinugtog ang Pambansang Awit, at nag-uumapaw sa dangal ang mga Pinoy sa tour. Maipagmamalaki nila ang tapang ng kanilang mga ninuno.

AMERIKANO

CORREGIDOR INN

CULTURAL CENTER

HAPON

LAMBERTO AVELLANA

MALINTA TUNNEL

MANUEL CASAL

PAMBANSANG AWIT

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with