^

PSN Opinyon

Ang bulok na sistema ng mga barangay

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAIPALABAS namin kamakailan sa BITAG ang pang-aabuso ni Wilfredo Torres na isang kagawad ng isang barangay sa Pasay City.

Bukod sa pagiging abusado nitong si Kagawad Torres, butangero pa ito at mahilig manakit sa tuwing siya’y malalasing.

Ayon sa ilang residente ng kanilang barangay, aspiring daw sa pagiging Kapitan itong si Torres.

Tsk-tsk-tsk! Talaga nga naman, kung sino pa ang butangero’t abusado siya pa ang nailalagay sa puwesto. Kapag ganito ng ganito ang sistema, tiyak na darami pa ang mga opisyales ng barangay na kakastiguhin ng BITAG.

Sa National Bureau of Investigation National Capital Region (NBI-NCR), nahalungkat namin ang patung-patong na kaso ni Torres. At kung ito ang aming pagbabasehan, walang karapatang manilbihan ang "bulok" na kagawad sa kanilang barangay.

Dito makikita ang hindi magandang sistemang umiiral sa barangay. Nagiging "praktisan" lamang ito ng mga kolokoy na nangangarap ng mas mataas na posisyon sa pulitika tulad ng butangerong kagawad na si Wilfredo Torres.

Makailang beses na rin naming naipakita sa BITAG ang kabulukan ng ilang opisyales ng barangay. Mapapansing ginagamit lamang ng ilan ang kanilang "posisyon" upang mangurakot at magpayaman.

Kung kami sa BITAG ang tatanungin, mas makabubuting buwagin na lamang ang bulok na sistema ng barangay.
* * *
Bitag hotline numbers, i-text (0918) 9346417o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

AYON

BARANGAY

BITAG

BUKOD

DITO

KAGAWAD TORRES

PASAY CITY

SA NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION NATIONAL CAPITAL REGION

WILFREDO TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with