^

PSN Opinyon

Alternative fuels, tugon sa pagbabawas ng air pollution (Ikalawang bahagi)

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ISA pa sa mga alternative fuel maliban sa compressed natural gas (CNG) na nakakabawas ng polusyon sa hangin ay ang liquefied petroleum gas (LPG). Ang LPG ay pinaghalong propane at butane na nalilikha bilang by-product kapag inihihiwalay sa natural gas habang nangyayari ang proseso ng oil refining.

Ang hindi alam ng marami, ang LPG ay ginagamit hindi lang sa pagluluto; higit sa apat na milyong sasakyan sa 38 na bansa ang gumagamit dito bilang gasolina. Saan tayo kukuha ng sapat na supply ng LPG para maging alternative fuel na nga ito? Hindi magiging problema ang supply ng LPG dahil naitayo na ang mga imprastraktura nito na may higit na 150 supply points sa buong bansa na tinatayang may 110,000 metric tons kada buwan ng pinagsamang storage capacities ng siyam na major supliers dito sa bansa.

Maliban sa LPG, mayroon ding biodiesel na gawa sa vegetable oil at taba ng mga hayop. Halimbawa nito ay ang coconut methyl ester o mas kilala sa tawag na cocodiesel.

Mayroon din tayong alcogas, al-gas at alco-diesel. Ito ay tinatawag na mga alcohol fuel blends. Ang alcogas ay magkahalong 10-15% na anhydrous alcohol at 85-90% gasoline. Ang al-gas ay magkahalong 40% hydrous alcohol at 60% gasoline at isang klase ng additive. Ang alco-diesel naman ay magkahalong hydrous ethyl alcohol at diesel fuel.

Ang mga alternative fuel na ito kung ikukumpara sa mga conventional diesel ay may mas mataas na lubrikasyon, mas malinis kapag sinusunog dahil nagsusuplay ito ng mas maraming oxygen at ikinukulong ang carbon dioxide. Nagagamit din ito sa lahat ng uri ng sasakyan na may makinang pang-conventional diesel.

DIESEL

FUEL

HALIMBAWA

LPG

MALIBAN

MAYROON

NAGAGAMIT

SAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with