^

PSN Opinyon

Editoryal - Saan pa bang lugar ligtas?

-
LAGANAP ang kahirapan at ang masaklap laganap din ang krimen. Habang tumataas ang bilang ng mga nalilipasan ng gutom, patuloy din naman ang pagsalakay ng mga masasamang tao. Kung hindi sa gutom mamatay, sa kamay ng mga halang ang kaluluwa natatapos ang buhay ng mga kawawa. Sa kabila naman ng mga nangyayaring krimen, sinasabi ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime rate sa bansa. Sa mga nangyayaring malagim na krimen ngayon, tila mahirap paniwalaan ang sinabi ng PNP.

Hindi nakapagtataka kung may lumabas na survey na maraming tao ngayon ang pinipili na lamang na maglagi sa kanilang bahay at hindi na lumalabas pagkagat ng dilim para makaiwas sa mga kriminal. Kung nasa bahay, makaiiwas sa mga holdaper, kidnaper, rapist, snatcher at iba pang halang ang kaluluwa.

Pero lumalabas na maski nasa loob ng pamamahay ngayon ay hindi na rin ligtas ang mamamayan sa mga halang ang kaluluwa. Saan pa nga ba ligtas sa panahong ito? Kakatwang mahirap na nga ang buhay ay hindi pa rin ligtas sa mga masasamang loob. At wala rin namang agarang makuhang tulong sa PNP sa kabila na sinasabi nilang mayroon na raw police visibility. Nasaan ang pulis sa panahon ng pangangailangan.

Isang malinaw na katibayan na kahit sa sariling pamamahay ay hindi ligtas ang mamamayan ay ang nangyari kay Alicia Ramos, 64, isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA). Pinasok ng tatlong nakamaskarang lalaki ang bahay ni Ramos noong Linggo ng umaga, dakong 5:30 at pinagnakawan pero ang masaklap pinatay pa ang opisyal. Isang puting tuwalya ang ginamit sa pagsakal kay Ramos. Ayon sa kapatid ng biktima na si Ma. Leticia, 61, binuksan niya ang pinto para magwalis sa bakuran nang biglang dambahin ng mga lalaking naka-bonnet at iginapos siya. Mabilis na nagtungo umano ang mga magnanakaw sa second floor.

Nagawa namang makatakas ni Leticia sa pagkakagapos at agad nagtungo sa pinakamalapit na presinto ng pulis at inireport ang pangyayari pero wala na ang mga magnanakaw nang dumating sila. Habang sinusulat ang editorial na ito wala pang naarestong mga suspect.

Naganap ang pangyayari sa lugar kung saan nakasentro ang kalakalan. Maraming dayuhan ang nakatira sa Makati at sino ang hindi magigimbal kung pati sa loob ng bahay ay hindi na rin ligtas sa nasabing lugar. Saan pa ba ligtas? Nasaan ang police visibility na sinasabi ng PNP?

ALICIA RAMOS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HABANG

ISANG

LETICIA

NASAAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with