^

PSN Opinyon

Alternative fuel,tugon sa pagbawas ng air pollution (Unang bahagi)

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG malinis na hangin ay mahalaga upang mapanatili ang lahat ng uri ng buhay sa mundo. Sa kasamaang-palad, ang kalidad ng hangin na ating nilalanghap ngayon ay sumasama at nagbibigay ng panganib sa ating kalusugan.

Ayon sa mga pag-aaral, ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa Metro Manila ay ang mga sasakyan, lalo na ang mga public utility vehicles. Lumalala raw bawat taon ang lebel ng polusyon mula sa mga sasakyang ito. Siyempre, apektado ang kalusugan ng mga tao, lalo na ang kabataan at matatanda.

Marami ang dahilan ng polusyon at isa rito ang kalidad ng gasolina na nagpapatakbo ng mga sasakyan. Ito ngayon ang programa ng pamahalaan upang ipakilala ang paggamit ng mga alternative fuels bunsod ng mga suliranin sa hangin na ating nilalanghap at pagbabago ng klima ng mundo.

Ang mga alternative fuels tulad ng Compressed Natural Gas (CNG), Liquefied Petroleum Gas (LPG), biodiesel, alcogas, al-gas at alco-diesel ay maaaring pamalit sa mga petroleum-based fuels gaya ng diesel at gasoline. Ipinapalagay na mas malinis ang mga alternative fuels na ito dahil sa nagbibigay ito ng sapat na energy supply at mas maliit ang epekto nito sa ating kapaligiran. Ang ilan dito ay agricultural-based kaya ito ay nagagamit muli.

Ang CNG na itinuturing na pinakamalinis na burning alternative fuel ay isang natural gas na binubuo halos ng methane at kaunting butane at propane. Napo-prodyus ito sa paghihiwalay ng crude oil o direkta na nabubuo mula sa natural gas fields. Kapag nasa mababang temperatura, nagiging liquefied gas (LNG) ito.

Napatunayan, ayon sa mga nagmo-monitor na ang mga sasakyan na pinapatakbo ng 100 porsiyento na natural gas ay bumaba ang exhaust emission ng carbon monoxide, non-methane organic gas, oxides, nitrogen at carbon dioxide na nakakasira sa ating kalikasan.

AYON

COMPRESSED NATURAL GAS

GAS

IPINAPALAGAY

KAPAG

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

LUMALALA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with