^

PSN Opinyon

Randy Sy at Buboy Go malakas kay Gov. Dela Cruz at Sr. Supt. Fokno

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PANSAMANTALA lang na nagsara ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go sa Meycauayan, Bulacan noong nakaraang linggo bunga ng sunud-sunod kong birada. Hindi kasi tinantanan ng taga-DILG at CIDG ang mga puwesto nina Randy Sy at Buboy Go kaya’t minabuti ng dalawa na magpahinga muna. Pero nitong nagdaang mga araw, balik-puwesto na naman ang mga video karera nina Randy Sy at Buboy Go kaya’t naniniwala ako na sobra ang lakas nila kay Gov. Josie dela Cruz at Sr. Supt. Benedicto Fokno, ang hepe ng PNP sa Bulacan. He-he-he! Ang buong akala ko pa naman, papupurihan na sina De la Cruz, Fokno at Mayor Eddie Alarilla, pero mukhang bulag, bingi at pipi pala sila kung ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go ang pag-uusapan. Tiyak hindi makatingin nang diretso sina De la Cruz, Fokno at Alarilla sa mga taga-Bulacan dahil may bahid ng uling sila sa mukha, di ba mga suki?

Kung patuloy ang operation ng video karera sa bayan ni Alarilla, ganun na rin sa bayan ni Mayor Pepe Buencamino ng San Miguel. Kung sa Meycauayan, nagsara ng ilang araw ang ilegal na negosyo nina Randy Sy at Buboy Go, aba sa San Miguel patuloy ang operation nito kahit nakakumpiska ng 15 makina ang DILG at CIDG doon. Ang ibig sabihin nito, talagang mas matikas si Buencamino kaysa kay Alarilla kung video karera ang pag-uusapan, di ba mga suki? Eh kung hindi natatakot itong sina Alarilla at Buencamino sa pananakot ni DILG Sec. Angelo Reyes na kaparusahan kapag hindi sila kumilos laban sa illegal gambling, kanino na lang dudulog ang taga-Bulacan? Ang akala kasi ng mga residente sa Bulacan, medyo may linaw na ang kinabukasan ng mga kabataan sa kanila, lalo na ang mga estudyante, dahil nagsara nga ng ilang araw ang makina nina Randy Sy at Buboy Go pero nagkamali sila. Sa ngayon, nawala na parang bula ang mga pangarap nila para sa kai-kanilang anak dahil sa kawalan ng bayag nina Buencamino at Alarilla na iwasan ang kinang ng lingguhang intelihensiya nina Randy Sy at Buboy Go. Kailan pa kayo magigising ha, Gov. De la Cruz, Fokno, Alarilla at Buencamino? Aantayin n’yo pa bang tumaas ang bilang ng kriminalidad at drug addiction sa Bulacan bago kayo kumilos? He-he-he! Panay bulsa n’yo lang ang inaatupag n’yo! Para naman sa hepe ng Meycauayan na si Supt. Fernando Villanueva, narito ang mga puwesto nina Randy Sy at Buboy Go sa inyong lugar. Sinabi ng mga pulis-WPD na nakausap ko, ang mga makina nina Randy Sy at Buboy Go sa Meycauayan ay matatagpuan sa Bgy. Tugatog, Bangkal, Bayugo, Longos, Gasak, Salisoy, Kalbaryo, LGP, Malhacan, Lawa, Libtong, Langka, Iba, Pajo, Sto. Niño, Kamalig at Tires.

Hayan, may tip na kay Supt. Villanueva at dapat isama na siya ng mga Bulakenyo sa sisi kapag hindi na siya kumilos. Kapag hindi masawata ni Villanueva ang video karera diyan, ibig sabihin n’yan may grasya ring pumapasok sa bulsa niya, di ba mga suki? Kaya’t nararapat lang na huwag i-confirm ng Commission on Appointments si Reyes kahit may lasong pakinggan ang laway niya pero sa totoo lang, wala rin palang binesa laban kina Randy Sy at Buboy Go. Abangan!

vuukle comment

ALARILLA

BUBOY

BUBOY GO

BUENCAMINO

BULACAN

CRUZ

NINA

RANDY

RANDY SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with