^

PSN Opinyon

Lokohan na talaga!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NABULGAR na napakalaki pala ng suweldo ng ilan sa opisyal ng gobyerno, kabilang na rito ang pinuno ng Government Service Insurance Corporation (GSIS) at iba pang government owned and controlled corporation (GOCC’s).

Dahil sa pagkabulgar na ‘yan ilang buwan na ang nakararaan ay binatikos nang husto ang pagkawala ng delikadesa ng ilang opisyal ng gobyerno na sumusuweldo ng kung ilan daang libong piso kada buwan samantalang naghihirap ang sambayanan.

Ang Palasyo ng Malacañang na naramdaman ang init at poot ng Pinoy ay nag-utos na dapat ayusin ang suweldo ng mga naturang opisyal. Si Madam Senyora Donya Gloria ay personal na nag-atas sa mga taong nilagay niya sa mga naturang puwesto na magbawas sila ng suweldo.

Patay ang sunog at natuwa naman ang publiko pero ang hindi nila alam ay panandalian lang pala. Paglamig pala ng isyu ay balik na naman sa dati ang kanilang mga suweldo, allowances at iba pang tinatanggap na umaabot sa daan-daang libo kada buwan.

Mukhang nadaan na naman tayo sa mga press releases. Matatamis na mga talata galing sa Palasyo ng Malacañang pero wala palang katotohanan. Pinalusutan na naman tayo buti na lang nadiskubre ni Congressman Rolex Suplico ng Iloilo.

Ayon kay Cong Rolex, lumalabas na ang isa sa mga hindi sumunod ay si GSIS President and General Manager Winston Garcia na base sa records ng naturang ahensiya ay tumatanggap ng total na P466,308.38 kada buwan o P5.6 million sa isang taon.

Ang iba pang mga opisyal ng GSIS ay napakalaki rin ng suweldo. Isa po rito ay ang anak ni Ginoong Garcia na si Farla Carolyn Empermano ay sumusuweldo ng P136,000 kada buwan.

Ito ang nakasaad sa record ng naturang ahensiya mula noong January 1, 2004 hanggang December 31, 2004. Hanep din naman sa laki at pinagyayabang pa nila noon na binawasan na raw ang nakukuha ni Garcia buwan buwan.

Pero complete denial naman ang GSIS at sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Atty. Estrella Elamparo ay binawasan na raw po ang suweldo ni Garcia ng P159,000 kada buwan.

Kaso ng tanungin ko siya noong Huwebes sa programang
Mata ng Agila ay inamin niyang ang perang binawas ay nakadeposito sa personal savings bank account ni Ginoong Garcia.

Akala ba namin binawas, bakit sa account niya rin at hindi ibalik sa pondo ng GSIS na pag-aari ng mga miyembrong pinahihirapan kahit ang kinukuhang loan ay para sa pag-aaral ng kanilang anak, sick benefits at iba pang benepisyong dapat ay sa kanila.

Katwiran po ng kampo ni Garcia ay dahil sa wala pa raw guidelines na nilalabas ang office ng Secretary of Finance at ang Malacañang.

Kung ganoon, ano kaya ang ginagawa ng iba pang mga opisyal na pinabawasan din ang kanilang mga suweldo. Ilan ho sa mga yan ay ang mga opisyal ng National Power Corporation, Social Security System, Development Bank of the Philippines at Philippine National Oil Company.

Nasa private bank accounts din ba dahil wala ngang guidelines ang Malacañang. Ha-ha-ha!!! Parang komplikado, samantalang puwede naman nilang isoli sa general funds para pakinabangan.

O baka naman talagang nagpapalamig lang sila at pag hindi na nahahalata ay iba na ang isyu ay parang bulang mawawala.

Tapos pinagpipilitan ang expanded value added tax (EVAT). Wow na wow Philippines talaga!!! Niluluto tayo lagi sa sariling mantika. Niloloko tayo, yan lang ang malinaw.
* * *
Binabati ko nga pala ang 1925 Paddlers Club Philippines na pinamumunuan ni Ric Lumbre Jr. at Hernan Caneba na lalaban sa Boracay sa May 5 hanggang May 7 sa Dragon Boat Competition.

Sa lahat ng mga participants, kasama na sina Renel Dechimo at Rody Salazar. Good Luck!!!
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected] o di kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan niyo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

ANG PALASYO

BUWAN

CONG ROLEX

CONGRESSMAN ROLEX SUPLICO

GARCIA

GINOONG GARCIA

MALACA

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with