Iregularidad ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
April 20, 2005 | 12:00am
SA kolum na to bibigyan ko ng pagkakataong maiparating sa kinauukulan ang reklamo ng mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina na lumapit sa BITAG.
Hinggil ito sa sangkaterbang hinaing ng mga pobreng estudyante mula sa first hanggang fourth year college. Kapag naglakas-loob na magparating ng reklamo sa mga kinauukulan, tiyak na pangha-harass daw ang kanilang matatanggap.
Kabilang sa kanilang ipinarating na reklamo, ang "kababuyan" di-umano ng ilang professor ng nasabing pamantasan. Para maipasa raw sa kanilang mga grado, kailangan daw sumang-ayon sa kagustuhan ng mga hayok na guro.
Hindi lamang daw mga estudyante ang may problema sa pamunuan na ito ng PLM, kundi maging ang mga baguhang guro na sumusuway sa maling patakaran ng paaralan.
Dagdag pa ng mga estudyante, ipinagbabawal daw ang pagrereklamo sa pamamalakad ng eskuwelahan lalo na ng mga magulang. Hindi rin daw sila pinapayagan na installment ang kanilang tuition fees.
Compulsory din daw ang pagbili ng mga text books na hindi naman daw gaanong kailangan sa kanilang mga kurso.
Ipinaaabot ng kolum na to sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED), kayo ang nangangasiwa sa ganitong usapin, babantayan ng BAHALA SI TULFO ang inyong magiging aksiyon.
Gusto ko lang linawin, di ko layunin sirain ang imahe at integridad ng inyong eskuwelahan. Bibigyan ko ng espasyo sa kolum na to ang sinuman sa mga opisyal ng PLM na gustong magpaliwanag.
Mahalaga ang binibigay kong oportunidad sa inyo para makapagpaliwanag.
BITAG hotline numbers, 932-8919 / 932-5310 at mag-text sa 09189346417. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG". Panoorin ang "BAHALA SI TULFO" live sa UNTV 37, Simulcast DZME 1530, Monday-Friday, 9:00-10:30 ng umaga.
Hinggil ito sa sangkaterbang hinaing ng mga pobreng estudyante mula sa first hanggang fourth year college. Kapag naglakas-loob na magparating ng reklamo sa mga kinauukulan, tiyak na pangha-harass daw ang kanilang matatanggap.
Kabilang sa kanilang ipinarating na reklamo, ang "kababuyan" di-umano ng ilang professor ng nasabing pamantasan. Para maipasa raw sa kanilang mga grado, kailangan daw sumang-ayon sa kagustuhan ng mga hayok na guro.
Hindi lamang daw mga estudyante ang may problema sa pamunuan na ito ng PLM, kundi maging ang mga baguhang guro na sumusuway sa maling patakaran ng paaralan.
Dagdag pa ng mga estudyante, ipinagbabawal daw ang pagrereklamo sa pamamalakad ng eskuwelahan lalo na ng mga magulang. Hindi rin daw sila pinapayagan na installment ang kanilang tuition fees.
Compulsory din daw ang pagbili ng mga text books na hindi naman daw gaanong kailangan sa kanilang mga kurso.
Ipinaaabot ng kolum na to sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED), kayo ang nangangasiwa sa ganitong usapin, babantayan ng BAHALA SI TULFO ang inyong magiging aksiyon.
Gusto ko lang linawin, di ko layunin sirain ang imahe at integridad ng inyong eskuwelahan. Bibigyan ko ng espasyo sa kolum na to ang sinuman sa mga opisyal ng PLM na gustong magpaliwanag.
Mahalaga ang binibigay kong oportunidad sa inyo para makapagpaliwanag.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended