^

PSN Opinyon

DH binulag ng prinsesa

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
BAGO po ang lahat, mga ilang maiikling paliwanag muna: Ayon sa Merriam Webster’s Intermediate dictionary, tatlo ang ibig sabihin ng "brief". Una, underwear ng lalaki; pangalawa, maikling paliwanag ng abogado hinggil sa kaso; at pangatlo, maikling pagtuturo o pagbibigay ng impormasyon.

Ang ibig sabihin po ng "briefs" sa "Amba’s Briefs" ay ’yong pangalawa at pangatlo sa itaas. Hindi po yong una dahil si Amba ay ’di gumagamit ng briefs – biro lang.

Ako po ay balik-kolumnista sa PSN. Nag-"leave of absence" nang tayo po ay naitalagang Chairman ng National Labor Relations Commission (NLRC) noong June 25, 2000. Mula noon, tayo po, paminsan-minsan, ay tumatanggap ng e-mail at mga liham galing sa mga OFWs lalung-lalo na sa Hongkong, Taiwan at Middle East, na nagtatanong kung bakit tayo ay tumigil ng pagsusulat sa PSN. Gusto daw nila ang mga payo natin hinggil sa mga usaping OFW. So, mga BBB, as in mga Bagong Bayani ng Bansa, nandito na si Amba, na makakapiling ninyo tuwing Linggo dito sa PSN.

Ang isa sa mga sumulat sa akin ay si G. Galicano Agustin, dating pangulo ng isang malaking pederasyon ng mga OFW sa United Arab Emirates na tinatawag nilang UFO o United Filipino Organization. Aniya, na-miss ng mga brods and sis namin sa UAE ang mga "insights" at mga "jokes" ko sa kolumn ko. Mayroon kasi akong itinatag na fraternity sa UAE noong Mayo 1988 na ang pangalan ay CONDISCIPULOS. Sa mga susunod kong kolumn, ikukwento ko ang mga dahilan kung bakit ito naitatag. Sapat na ang sabihin ko ngayon na ang pinaka-purpose ng fraternity na ito ay para maging organisado ang pagtulong ko sa mga inaabusong OFW.

Sa G. Nestor Oliver naman, na isa ding dating pangulo ng UFO ay nag-email at nagmumungkahing maghandog tayo ng buwanang "award" sa mga kinauukulan. Aniya, bansagan natin ang mga ito ng SAPAT at SUPOT awards. Ang ibig sabihin daw ng "SAPAT" ay "Service Acceptable to Public Acclaim and Trust" at ang ibig sabihin naman daw ng "SUPOT" ay "Service Unacceptable to Public Opinion and Trust". May pagka-malikot mag-isip itong si Nestor. Ang kauna-unahan daw na bigyan natin ng SUPOT award ay si General Garcia at ang kauna-unahan naman daw na bigyan natin ng SAPAT award ay si Ambassador and DFA Undersecretary Jose "Chito"Brillantes, dahil "feel na feel" daw ng mga OFW ang pagmamalasakit niya sa kanila.

Ang tanong ko kay Nestor, halimbawa, isang salbaheng babae ang gagawaran natin ng award, pwede din ba sa kanya ang "SUPOT" award? Halimbawa, itong salbaheng prinsesa na kapatid pa man din ng isang hari sa Gitnang Silangan, na nambugbog ng kanyang DH na si Glenda Amazona, na ikinabulag ng kanyang kanang mata, pwede din ba ang SUPOT award sa kanya, kahit na babae siya? Anyway, para sa mga kaalaman ng lahat, tinulungan natin ngayon si Glenda na magsampa ng kaso laban sa nasabing prinsesa sa Commission on Human Rights (CHR). Personal na idinulog ko itong problema ni Glenda kay Commissioner Quintin Cueto III ng CHR. Ayon kay Commissioner Cueto, ang paglabag ng karapatang pantao ay isang transnational crime at handa silang makipag-ugnayan sa United Nations Commission on Human Rights para mabigyan ng hustisya si Glenda. Kaya, humanda ka prinsesalbahe. Tinulungan din natin si Glenda na makahanap ng trabaho dito sa Pilipinas para mailagay sa ayos ang kanyang buhay.

Hanggang sa susunod na Linggo po.

Para sa inyong reaksyon, mag-email po sa royseñ[email protected].

ANIYA

AYON

BAGONG BAYANI

COMMISSIONER CUETO

COMMISSIONER QUINTIN CUETO

GALICANO AGUSTIN

GLENDA

HUMAN RIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with