^

PSN Opinyon

Wala nang bayani sa Bulacan, puro hoodlum na lang

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ITO ang mabigat na isyu ngayon sa Bulacan na kung tawagin dati ay "lalawigan ng mga bayani at magagandang dilag".

Pero ngayon, ang probinsiyang pinamumunuan ni Gov. Josie dela Cruz ay pinamumugaran na ng mga hoodlum at sinasabing number one sa buong Central Luzon kung crime rate ang pag-uusapan.

Hanggang ngayon daw, dear readers, hindi pa rin nahuhuli ang mga suspek na nangholdap sa payroll ng Sapang Palay National High School (SPNHS) noong isang taon. Muntik nang mamatay ang driver ng nasabing paaralan dahil sa holdap na nangyari sa katanghaliang tapat.

Broad daylight nang holdapin ang kawawang driver. Pero hanggang ngayon, wala, walang ginawa si Sr. Supt. Michael Benedict Fokno kundi ang magpakuyakuy-yakoy sa kanyang air-conditioned na opisina.

Kung inaakala ninyo mga Bro na ito ang huling pinakamalaking holdapan sa Bulacan, nagkakamali kayo.

Pati maybahay ng isang news reporter ng Bulakan Star na isang rice dealer ay inagawan ng P100 thousand sa Bocaue, isang Chinese na factory owner sa Bgy. Matungao, bayan ng Bulacan at dalawang negosyante pa sa City of San Jose del Monte na kalalabas pa lang sa Metrobank.

Hindi kukulangin sa kalahating milyon ang naagaw sa dalawang ito ng mga holdaper na nakasakay sa motorsiklo. Ang bansag dito ng pulisya Enduro gang.

Hindi pa ’yan, halos araw-araw ay may nahoholdap na commuters sa Bocaue tollgate at ang mga holdaper ay bumababa sa loob mismo ng NLEX sa bahaging Bgy. Borol, Balagtas.

Wow, hebigat talaga. D’yan lang pala sa Bulacan ay puwede nang maging milyonaryo ang mga holdaper.

Bukod sa holdap, ang lalawigan ngayon na pinamumunuan ni Gov. Josie at dapat protektahan ni Col. Fokno ay maituturing na ring pugad ng jueteng, video karera, mga KTV bar na may malalaswang palabas at mga VIP rooms na kubu-kubo kung saan napapariwara ang maraming menor-de-edad na guest relations officer (GRO).

Sa tindi raw ng jueteng sa Bulacan, p’wede kaya kahit sa gilid ng Camp Alejo Santos at ang mga video karera, nasa strategic points lahat, malapit sa mga elementary schools.

Piso-piso ang tayaan, kaya patay ang baon nina totoy at nene.

We have a question, Col. Fokno, alam mo ba ang nangyayaring ito sa Bulacan?

Hirap na hiraw daw si Col. Fokno na lumabas ng tanggapan niya. Parang lagi raw may hinihintay na parating.

"Ano at sino kaya ang hinihintay na parating ni Col. Fokno?" tanong ng Kuwagong Urot.

"Baka hinihintay niyang pukpukin o sibakin siya ni Gen. Lomibao’s favorite Region III Director, Gen. Rowland Albano," sabi ng Kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kung ako sa kanya, ’wag na niyang hintayin, dalawang bagay lang, shape up o ship out."

Tingnan natin Kamote kung hindi pa singtigas ng semento at bato ang sikmura ni Fokno.

BGY

BOCAUE

BULACAN

BULAKAN STAR

CAMP ALEJO SANTOS

CENTRAL LUZON

CITY OF SAN JOSE

FOKNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with