Piso lumakas dahil sa new VAT
April 16, 2005 | 12:00am
KAMAKAILAN ay napabalita ang matinding paglakas ng piso nang umabot sa P53 and halaga nito sa bawat US dollar. Ito raw ay dahil sa espekulasyong maipapasa na at mapagtitibay ang bagong batas sa Value Added Tax (VAT).
Kung totoo ito, bakit tila nanlulupaypay ang mga negosyo? Ilang buwan na ang nakararaan, sinindak tayo ng balita tungkol sa pagbagsak ng College Assurance Plan (CAP). Kapos na raw ito sa pondo para bayaran ang matrikula ng libo-libong estudyanteng plan holders. Kamakailan, sumunod sa yapak ng CAP ang Pacific Plans Inc. na hindi na rin diumano makapagbabayad sa mahigit sa 34,000 plan holders nito dahil sa walang habas na pagtaas ng tuition fees at ang mahinang kita ng kanilang mga investments.
Malinaw na may umiiral na krisis pangkabuhayan. Tumataas ang halaga ng mga bilihin at ang nasasakal ay ang mga taumbayan. Porke hindi naman tumataas correspondingly ang kanilang sahod, natural magbabawas sila ng gastusin. Dahil diyay mga negosyo rin ang apektado. Paano ka magnenegosyo nang matino kung mahina iyong merkado?
Di rin maawat ang mga kompanya ng langis sa pagtataas sa presyo ng petrolyo kaya nanganganib mamatay ang industriya ng transportasyon. Manhid yata ang ating pamahalaan. Bawat patakaran nitoy pabor sa mga industriyalista at hindi sa taumbayan.
Nakakalimutan yata ng mga umuugit sa gobyerno na kung walang taumbayan, patay ang industriya. Sa totoo lang, walang dahilang magkaroon ng fiscal crisis sa gobyerno kung ang salapi ng bayan ay maayos na napapangasiwaan at hindi nabubuslo sa lukbutan ng mga tiwaling kawatan sa gobyerno.
Ngayon, isinusulong na naman ang bagong VAT na ang magpapasan ay taumbayan. As if adding insult to injury, kunway lumalakas ang piso dahil sa napipintong pagpapatibay ng batas na ito.
Ito na yata ang pinaka-garapal na administrasyong nakita ko. These people at the helm of our government are giving graft and corruption an even more bad name.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended