^

PSN Opinyon

Tumitindi ang unemployment

- Al G. Pedroche -
ANG pagtindi ng problema sa unemployment at underemployment ay mababasa natin sa reaksyon ng ilang mga matataas na opisyales ng pamahalaan. At iyan ay sumasalamin sa pagsahol din ng problemang pangkabuhayan ng bansa. Natural, kung lugmok ang kabuhayan ay matumal ang negosyo. Kung matumal ang negosyo ay mababawasan ang trabaho.

May bagong survey ang Pulse Asia. Lumalabas na naniniwala ang maraming taumbayan na hindi kaya ni Presidente Gloria Arroyo na pangasiwaan ang fiscal crisis sa bansa. Hindi masisisi ang bayan sa ganyang paniniwala. Ang kahirapan ay damang-dama sa kanilang nag-aalburutong sikmura. Maraming turnout ng mga bagong propesyunal sa panahon ng graduation sa mga pamantasan. Nakalulungkot na ang dumaramig bilang na ito ay dagdag lang sa bilang ng mga unemployed.

Ang payo nga kamakailan ni Sen. Manny Villar, magsipag-negosyo na lang ang mga bagong nagsisipagtapos ng kurso. The good Senator is probably talking from experience. Laki siya sa hirap at dahil sa sariling pagpupunyagi ay umasenso at naging bilyonaryo sa larangan ng real estate. Sana nga’y lahat ng tao’y may business acumen. Kung magkaganyan, hindi sana hilahod ang kabuhayan ng bansa. Pambihirang talento rin ang pagnenegosyo. Not everyone has that talent. At kahit gustuhin ng isang tao na magnegosyo, paano siya magsisimula kung wala naman siyang kapital?

Siguro’y mangarap na lang tayo at humugot ng inspirasyon sa kokonting taong katulad ni Villar na mula sa kahirapan ay nagawang i-angat ang kabuhayan upang kilanling matagumpay ng negosyante at ngayo’y politiko.

LAKI

LUMALABAS

MANNY VILLAR

MARAMING

NAKALULUNGKOT

PAMBIHIRANG

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

PULSE ASIA

SANA

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with