Ang psoriasis at Alzheimer's disease
April 10, 2005 | 12:00am
ANG psoriasis ay sakit sa balat na hanggang sa ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas.
Nangangati, namumula at namamaga ang maraming bahagi ng katawan. Parang kaliskis na nahuhulog ang balat habang kinakamot. Ang psoriasis ay namamana ayon sa dermatologist at dating pangulo ng Manila Medical Society na si Dr. Lucky Elayda. Ganoon man, hindi naman nakakahawa ang psoriasis.
Binigyang-diin ni Dr. Elayda na ma-lalaki o ma-babae, bata o matanda ay maaaring magka-psoriasis.
Para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa psoriasis, matatawagan si Dr. Elayda sa 521-72-48 at 731-08-71.
Madalas na iugnay ang Alzheimers disease sa mga matandang ulyanin.
Sabi ni Dr. Simeon Marasigan, isang leading neuro-psychiatrist at madalas maging panauhin sa aking TV show, ang Alzheimers disease ay isang uri ng sakit sa utak sa mga 65 years old and above. Itoy isang chronic ailment, walang tiyak na lunas pero maaaring maantala. Ayon kay Dr. Marasigan, dapat na ang mga may Alzheimers ay maging busy at gumagana ang kanilang utak para makalimutan nila ang anumang depression.
Pagkabagabag at pagkahabag sa sarili. Dapat ay lagi silang may kausap, nakikinig ng radio, nanonood ng telebisyon at nagbabasa. Makakatulong din nang malaki kung maglalaro sila ng chess at crossword puzzle.
Bilang pangwakas, ipinapayo ni Dr. Marasigan na mas higit kailangan ng mga may Alzheimers ang pang-unawa at pagmamahal mula sa kanilang pamilya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am