'Zero Waste' tungo sa paggamit ng residual garbage
April 9, 2005 | 12:00am
Bilang paghahanda sa selebrasyon ng International Earth Day sa April 22, ang Department of Environment and Natural Resources sa pamamagitan ng National Solid Waste Management Commission at sa pakikipagtulungan ng Solid Waste Management Association of the Philippines (SWAPP) at ng Earthday Philippines ay isinusulong ang residual waste management.
Ang residual wastes ay mga non-biodegradable na basura tulad ng plastic, gulong at baterya ng mga sasakyan at iba pa na hindi na kailanman mare-recycle at mako-compose.
Sa isinagawang pagtitipon-tipon ng mga local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), government agencies, mga pribadong kompanya, akademiya at iba pang solid waste management practitioners napagkasunduan na gawing kapaki-pakinabang ang mga residual wastes. Napagkaisahan na magkaroon ng isang paraan ng pamamahala upang maging posible at makita ang potensyal ng resource recovery ng mga residual waste.
Sa nasabing pagtitipon tinalakay din kung ano ang teknolohiya ang mayroon na tayo, lokal man o banyaga, na magagamit sa muling pagpo-proseso at muling paggamit ng mga residual wastes. Napag-usapan din ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga LGUs na magtayo ng monitoring system para sa kani-kanilang waste management program ganoon din ang pagtatayo ng national waste network exchange upang maging posible ang residual waste management.
Sa kasalukuyan, habang isinusulong ang programang ito, maraming pamantayan na nakapaloob sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.
Kabilang na rito ang National Solid Waste Management Framework na layuning mabawasan ang nalilikhang basura, pagbutihin ang pangongolekta ng basura at makapagbigay ng ligtas, maayos at ang paraan na "environment-friendly" na pagtatapon ng basura.
Ito ay mas madaling tandaan sa tinatawag na 3Rs ng solid waste management.
Ang REDUCE, REUSE at RECYCLE.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am