^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Smuggling ay talamak kaya bansa'y naghihirap

-
KUNG magkakaroon lamang ng puspusang kampanya ang pamahalaan laban sa mga smugglers, hindi na kailangang magpataw pa ng kung anu-anong tax. Hindi na kailangang pahirapan pa ang mamamayan na magpasan ng 12 percent na value added tax. Kung ang lahat ng kargamentong papasok ay mabubuwisan hindi maghihirap ang bansang ito at maligaya ang mamamayan sapagkat ang serbisyo ay makakamtan. Pero hindi ganyan ang nangyayari sa kasalukuyan, talamak ang smuggling at natatalo ang gobyerno ng bilyong piso bawat taon.

Sa isang pag-aaral, sinabi na P140 bilyon bawat taon ang natatalo sa gobyerno dahil sa talamak na smuggling. Isa sa bawat tatlong items na ipinapasok sa bansa ay smuggled, ito ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng Center for Research and Communication (CRC). Ang pag-aaral sa grabeng smuggling sa bansa na bilyong piso ang napalulusot ay mula noong 1989 hanggang 2001 lamang. Hindi pa nakapagsasagawa ng pag-aaral kung gaano ang trade leakages mula noong 2002 hanggang sa taong kasalukuyan. Baka mas malaki pa sa P140 bilyon sapagkat ngayon ay mas matatakaw ang mga buwaya at lalo namang naging malakas ang loob ng mga smugglers sapagkat may pumoprotekta sa kanila. Patuloy ang katiwalian at patuloy ang pagkalugi ng gobyerno. Walang kakayahang hagupitin ng gobyerno ang mga smugglers at ang tanging nakakaya lamang ay ang taumbayan na pagpasanin ng kung anu-anong tax.

Napakalaking halaga ng P140 bilyon sa bansang ito na naghihirap. Maraming kapus-palad ang matutulungan, maraming maysakit ang mabibigyan ng tulong pampaospital, maraming walang bahay ang magkakaroon ng masisilungan, maraming kalsada at mga tulay ang maaaring magawa at higit sa lahat maraming bituka ang magkakaroon ng laman. Hindi na kailangang magbungkal pa sa basurahan ang mahihirap para lamang may makaing panis na pagkain.

Kailangan magkaroon ng ngipin ang gobyerno para madurog ang mga smugglers at mga corrupt sa Customs. Patawan nang mabigat na parusa ang mga mapapatunayang smugglers at ganoon din naman ang mga nagpoprotektang Customs officials. Hindi sapat ang 90-day suspension sa mga tiwaling Customs officials sapagkat kapag natapos ang kanilang parusa, babalik muli sila sa tanggapan at muling magnanakaw. Kamay na bakal at matalim na ngipin ang solusyon sa lumalalang smuggling sa bansa.

ISA

KAILANGAN

KAMAY

MARAMING

NAPAKALAKING

PATAWAN

PATULOY

RESEARCH AND COMMUNICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with