Meycauyan Mayor Alarilla at San Miguel Mayor Buencamino, nasaan ang konsensiya n'yo?
April 6, 2005 | 12:00am
MATAPOS ikumpas ni Mayor Lito Atienza ang kanyang kamay na bakal, nagsilayas sa Maynila ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go. Pero kung panaka-naka na lang ang mga nakalatag na makina ni Randy Sy, na inaanak ni Atienza at Go sa Maynila, hindi ito nangangahulugan na nawalan na sila ng pagkakakitaan. Ang siste pala mga suki, dahil mainit nga sa kanila si Atienza, lumipat lang ng puwesto sina Randy Sy at Buboy Go sa probinsiya. At ayon sa mga nakausap ko na malapit kay WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong, sina Randy Sy at Buboy Go pala ang namamayagpag sa ngayon sa bayan ng Meycauayan at San Miguel sa Bulacan. He-he-he! Kung nawalan ng 65 porsiyentong intelihensiya ang WPD dahil sa pag-alis nina Randy Sy at Buboy Go, aba, tiba-tiba sa ngayon sina Chief Supt. Rowland Albano, ang PRO3 director at Sr. Supt. Benedicto Fokno, ang provincial director ng Bulacan.
Ayon sa nakausap ko sa WPD, umaabot sa 100 makina ni Randy Sy ang nakalatag sa ngayon sa Meycauayan. Siyempre pa, kung malaki ang naiparating ni Sy sa bulsa nina Albano at Fokno, hindi nalalayo na nagkalaman din ang kay Mayor Eddie Alarilla. Kaya kung may 100 na makina si Buboy Go sa San Miguel, aba, ganun na rin siguro ang suwerte ni Mayor Pope Buencamino, di ba mga suki? He-he-he! Sobrang buwenas sina Randy Sy at Buboy Go, no mga suki? Hindi talaga mapatigil ang kanilang illegal na negosyo maski abot-langit ang pagsisigaw ni Interior Secretary Angelo Reyes na ayaw niya ng video karera.
Kung si Mayor Atienza ay ayaw malulong ang kabataan sa Maynila sa sugal ng video karera, bakit pumapayag sina Alarilla at Buencamino? Ilang ulit ko na bang sinasabi na itong video karera ang naging ugat kung bakit dumadami ang bilang ng shabu user sa ating bansa. Malinaw pa kasi sa salamin na halos lahat ng naglalaro ng video karera ay mga adik kayat kadalasan nakalatag ang mga makina sa liblib o squatters area na maraming drug pusher. Kaya kayong taga-San Miguel at Meycauayan, wala na kayong dapat sisihin kung daraming bigla ang bilang ng kriminalidad sa inyong lugar dahil sa naglilipanang video karera nina Randy Sy at Buboy Go diyan. Saan ba kukuha ng pantaya sa makina ang mga adik eh tapos na ang pasukan. Kaya dahil wala na silang magawang dahilan para manghingi sa kanilang mga magulang, ang gagawin na lang nila ay magnakaw para may pera sila sa kanilang paglilibang. Nasaan ang konsensiya nyo Mayors Alarilla at Buencamino Sirs? Hihintayin pa ba ninyong lumala ang kriminalidad sa inyong lugar bago kayo kumilos? He-he-he! Huhusgahan din kayo ng iyong constituents sa darating na elections, Mayor Alarilla at Buencamino Sirs!
Ang tip ko naman kay Chief Supt. Albano gayahin niya ang style ni NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Avelino Razon Jr. para masawata ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go. Ipinag-utos kasi ni Razon sa mga station commanders na manghuli ng isang makina kada araw kayat nabawasan ang bilang ng makina sa Metro Manila. Pero si Albano ay nag-aambisyon ding palitan itong si Razon kayat pagkakataon na niyang magpakitang-gilas, di ba mga suki? Kung sabagay, puno rin ng pakwela sa katawan si Albano kayat tingnan natin kung uubra siya kina Sy at Go. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended