EDITORYAL - Walang ngipin sa illegal drugs
April 2, 2005 | 12:00am
SEN. Rodolfo Biazon is right. Sa bansang ito ay malambot ang batas laban sa ipinagbabawal na droga. At dahil sa kalambutan ng batas nagmimistulang pabrika na ng illegal drugs ang Pilipinas. Dito nanggagaling ang mga droga at ibinibiyahe naman sa ibang bansa. Hindi na bagsakan lamang kundi dito na mina-manufacture ang mga droga. Malambot ang batas tungkol sa droga at isang halimbawa ng kalambutan ay nang hindi kasuhan ang isang Chinese national na nahulihan ng ketamine hydrochloride. Ang ketamine ay kilala rin sa mga tawag na "K" at "Special K". Tinatawag din itong "love drug", "club drug" at "rape drug". Ang iba ay tinatawag itong "God drug" sapagkat kapag tinira ay nararamdaman daw nilang kausap o kapiling ang Diyos.
Tama si Biazon nang sabihing malambot ang batas sa droga. Pero kung kami ang tatanungin, walang ngipin ang batas sa bansang ito kung droga ang pag-uusapan. Kung may ngipin ang batas, noon pa ay nasolusyunan na ang problema sa illegal drugs. Pero hindi ganyan ang nangyari sapagkat lalo pa ngang naging mabangis ang mga sindikato ng illegal drugs at hindi sila natatakot. Ni hindi man lamang kinakitaan nang pagkabahag ng buntot ang mga itinuturing na salot ng lipunan. Kumapal pa ang mga nagtutulak ngayon ng droga na kinabibilangan ng shabu, Ecstacy, marijuana at ngayon nga ay ang ketamine hydrochloride na kinalolokohan ngayon.
Hindi pa nadudurog ang mga suppliers ng shabu ay eto na naman ang isa pang salot na droga. Kakaiba kaysa sa shabu, ang ketamine ay dating ginagamit bilang human anesthetic. Kadalasang ginagamit din ito sa veterinary medicines at ganoon din sa pediatric burn cases. Kapag na-take ang ketamine, feeling ay nakalutang ang katawan. Mayroon ding hallucinogenic effect ang ketamine.
Ganitong droga ang nahuli sa Chinese national na si Chen Lim Yong habang nakatuloy sa hotel room sa Malate, Maynila noong nakaraang linggo. Nadiskubre ang nilulutong ketamine nang mapansin ng isang roomboy ang usok na nanggagaling sa kuwarto ni Chen. Nang inspeksiyunin nakita ang malaking kaserola na may ketamine. Pero kahit nahuli sa akto, hindi makasuhan si Chen sapagkat ang ketamine ay hindi pa naka-labeled na dangerous.
Kailan pa ibibilang ang ketamine sa listahan ng dangerous drugs kapag marami nang nadurog na utak? Kapag marami nang napraning? Kapag marami nang napinsala? Magkaroon na sana ng kamaong bakal laban sa mga manufacturer ng drogang ito bago maging huli ang lahat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended