^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hustisya kay Marlene Esperat

-
PINAKAMADALING paraan para mapatahimik ang mamamahayag sa bansang ito ay sa pamamagitan ng bala. Sinisigurado na ang bala ay papasok lahat sa katawan ng mamamahayag at kasunod niyon ay ang pagtimbuwang at pag-agos ng dugo. Marami nang mamamahayag ang naitumba sa bansa at karamihan sa mga kaso ay hindi nalulutas. Maraming pinaslang na mamamahayag ang patuloy na humihiyaw ng hustisya pero hindi sila marinig. Nakatambak ang mga kasong pagpatay at mananatiling malaking katanungan kung kailan nila makakamit ang katarungan. Nakapanghihinayang lalo na’t kung ang mapapatay na mamamahayag ay tulad ni Marlene Esperat na matapang na nagbubulgar sa kabulukan ng government officials.

Si Esperat, 45, ay kolumnista ng Midland Review sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ibinubulgar niya ang corruption sa pamahalaan nang walang patumangga. Matatalas ang kanyang banat at nakasusugat. Siya ay dating chemist sa Department of Agriculture sa Maguindanao. Habang nasa DA napansin niya ang mga kakulangan sa departamentong hinahawakan. Walang kaukulang pasilidad ang laboratoryo roon. At natuklasan niya, mayroon naman palang pondo ang kanilang laboratoryo subalit hindi iyon ibinibigay. Nagreklamo siya tungkol dito at saka lamang inaksiyunan. Natuklasan din niya na ang nakalaang pondo sa laboratoryo ay P400,000 subalit ang ibinigay lamang ay P175,000. Muli siyang nagreklamo at pinaimbestigahan nang noon ay Agriculture Sec. Salvador Escudero. Habang iniimbestigahan, nasunog ang DA office. Hanggang sa mabulgar na sadyang ipinasunog iyon upang wala nang ebidensiya.

Nagbitiw si Esperat noong nakaraang taon at sinimulan ang krusada laban sa mga corrupt sa pamahalaan. Pero malagim ang naging wakas ng kanyang krusada. Isang bala ang tumapos sa kanya. Pinasok siya sa kanyang bahay noong Huwebes Santo at binaril sa harap ng kanyang mga anak. Tumimbuwang ang matapang na mamamahayag. Sayang! Si Esparat ang ika-apat na mamamahayag na itinumba ngayong 2005.

Nakidalamhati si President Arroyo at ipinag-utos na ang malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Esperat. Isang special task force ang pinamunuan ni Senior Supt. Rodolfo Mendoza at Chief Supt. Antonio Billones. Pero nakapagdududa kung malulutas ng pulisya ang pagpatay. Paano’y isang PNP colonel at anak nito ang umano’y sangkot sa pagpatay. Itinuturo ring kasabwat ang isang pulitiko at negosyante.

Hindi sana mapabilang ang kasong ito sa mga nakatambak at inuuod na. Hustisya para kay Esperat.

AGRICULTURE SEC

ANTONIO BILLONES

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ESPERAT

HABANG

HUWEBES SANTO

ISANG

MAMAMAHAYAG

MARLENE ESPERAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with