^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Bakit sila pinabayaan?'

-
Eloi, Eloi, lema sabachtani?"

ANG mga katagang iyan ay sinabi ni Panginoong Jesus makaraang Siya ay ipako sa krus. Iyan ay may kahulugang "Diyos ko! Diyos Ko! Bakit mo ako pinabayaan?" Nagdilim ang buong lupain nang oras na iyon gayong alas-tres lamang ng hapon. Bakit Siya pinabayaan ng Diyos? Maski si Jesus ay dumaing ng hirap, sakit, kirot at nagpapatunay lamang na siya ay may katawang tao. Marunong masaktan subalit tiniis para matubos ang kasalanan ng mga tao. Pagkatapos sambitin ni Jesus ang mga kataga ay namatay na siya. Nawarak ang tabing ng templo at marami ang namangha. Saka pa lamang may naniwala na si Jesus ay tunay ngang Diyos.

Maging si Jesus ay dumaing ng sakit at kirot at nagtanong na bakit siya pinabayaan. Kung ang anak ng Diyos ay nahirapan, sa panahon ngayon ay marami rin naman ang nasasaktan dahil sa kahirapan ng buhay, kaapihan at kawalan ng hustisya. Marami ang nagtitiis at hindi nila alam kung kailan matatapos ang mga tiising iyon. Hindi nila alam kung paano makakamtan ang hustisya.

Bakit pinabayaang malason sa kamoteng kahoy ang mga kawawang estudyante sa Bohol at nagresulta sa pagkamatay nang 27. Pesticide ang naging dahilan ng pagkalason ayon sa report ng mga awtoridad. Unang naireport na cyanide ang dahilan pero nang suriin ang mga samples ng pagkain, napatunayang pesticide pala. Hindi mailarawan ang paghihinagpis ng mga magulang ng mga batang namatay. Nagkulang sa paalala ang kinauuukulan sa mga magsasaka sa wastong paggamit at pag-iingat sa pesticide. Bakit nila napabayaan ang may kaugnayan sa kasong iyan?

Bakit pinabayaang makapambomba ang mga terorista noong Valentine’s Day sa Makati City, Davao City at Gen. Santos City. Marami ang namatay at nasugatan sa pambobomba. Dalawang suspect na ang nahuli at umamin na sa pagpapasabog ng bomba. Bakit napabayaan ng pulisya na makapaghasik ng lagim ang mga terorista?

Bakit pinababayaan ang mga batang kalye na makasinghot ng rugby? Ngayon ay karaniwang tanawin na lamang sa Metro Manila ang mga nagkalat na batang kalye na nagpapatuyo ng utak sa pagsinghot ng rugby. Nasa madilim silang bahagi, kumpul-kumpol at nagpapaligsahan sa pagsinghot ng rugby. Saka ilang sandali lamang ay magtatawanan. Nasaan ang Deparment of Social Welfare and Development at sila ay pinababayaan?

Marami ang dumadaing at sumisigaw na sila ay pinababayaan. Habang marami ang pinababayaan, marami namang Judas ang nangungurakot sa kaban ng bayan. Patawarin nawa sila ng Diyos sapagkat hindi nila alam ang ginagawa.

vuukle comment

BAKIT

BAKIT SIYA

DAVAO CITY

DEPARMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DIYOS

DIYOS KO

ELOI

MAKATI CITY

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with