^

PSN Opinyon

Kapakumbabaan ni Jesus

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG kapakumbabaan ang isa sa mga itinuro ni Jesus. Kasama ito sa kanyang pangaral. Ipinamalas niya ang pagiging mapagpakumbaba sa kanyang Huling Hapunan sa piling ng kanyang 12 Apostoles. Ang kanyang kapakumbabaan ay unang nasaksihan sa kanyang pagsilang. Siya na hari ng mga hari ay hindi ipinanganak sa palasyo kundi sa isang sabsaban.

Ipinamalas din niya ito bago mag-last super. Kumuha siya ng palangganang may tubig at isa-isa niyang hinugasan ang mga paa ng kanyang mga alagad. Noong una ay ayaw ni Pedro na hugasan siya ngunit sinabi sa kanya ni Jesus na kapag sumuway siya hindi niya kapanalig at bahagi ng espiritu. Sinabi ni Pedro na hindi lang ang kanyang mga paa pati ang kanyang ulo at mga kamay ang hugasan. Sinabi ni Jesus na sapat nang hugasan ang mga paa at malinis na ang buong katawan ngunit hindi lahat sa kanila ay malinis dahil isa sa kanila ang sa kanya ay magkakanulo. Siya’y si Judas.

Matapos ang Huling Hapunan, nanalangin si Jesus sa hardin ng Gethsemane kasama niya ang kanyang mga alagad na nagsitulog lahat. Kaya sinabi ni Jesus ‘‘Gusto ng espiritu ngunit mahina ang laman.’’ Habang nananalangin pinagpawisan siya ng dugo. Dumating si Judas na kasama ang mga dadakip sa kanya. Sa pamamagitan ng halik ni Judas ay sinunggaban nila si Jesus at dito nagsimula ang kanyang kalbaryo.

APOSTOLES

DUMATING

HABANG

HULING HAPUNAN

IPINAMALAS

JESUS

KANYANG

SINABI

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with