^

PSN Opinyon

Pagpapatitulo ng lupa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
TUNGKOL ito sa isang lupang pambayan na may sukat na 2,988 square meters. Inumpisahang okupahan ito ni Julia noong 1958 kung kailan naikuha niya ng tax declaration sa pangalan niya. Noong 1968, sinalin niya ito kay Julio. Nang mamatay si Julio minana ang nasabing lupa ng anak na si Tina at ng asawa nitong si Fredo. Tinaniman nina Tina at Fredo ang nasabing lupa ng palay at sari-saring gulay hanggang Nobyembre 21, 1995 nang ipagbili nila ang lupa kay Lucia at mga kapatid nito. Tanging tax declaration lang ang ebidensiya ng pagmamay-ari ng nasabing lupa mula 1958.

Kaya noong January 08, 1998 nagsampa ng aplikas-yon sa Municipal Circuit Trial Court sina Lucia upang patituluhan ang lupa ayon sa Property Registration Decree (PD 1529) at Section 44 ng Public Land Act (Commonwealth Act. CA 141 as amended by RA 6940) batay sa tuluy-tuloy, hayagan at lantad o pamumusesyon nila at ng sinundan nila mula pa nung 1958 na mahigit 30 taon na. Maipatituluhan kaya nina Lucia ang lupa?

HINDI.
Mapaparehistro at mapapatituluhan ng isang tao ang lupang pambayan na hawak at inookupahan niya ng lantaran at hayag sa pamamagitan ng pagkuha ng free patent o sa pamamagitan ng pagpapasya ng hukuman. Ang section 44 ng Public Land Act na nangangailangan ng 30 taong pamumusesyon ay ukol lamang sa pagkuha ng free patent na isang paraang administratibo. Kung idadaan sa hukuman tulad ng ginawa nina Lucia, kailangan na ang kanilang pamumusesyon ay bago o magmula pa nung June 12, 1945 ayon sa Section 48 (b) at (c) ng nasabing batas. Dito sa kaso ng namumusesyon nila Lucia at ng mga sinundan nila ay nagsimula lang nung 1958 (Igtiben vs. Republic, G.R. 158449, October 22, 2004).

COMMONWEALTH ACT

DITO

FREDO

IGTIBEN

INUMPISAHANG

JULIA

MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURT

PROPERTY REGISTRATION DECREE

PUBLIC LAND ACT

TINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with