^

PSN Opinyon

Layers of responsibilities

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HAPPY Birthday sa Aking kaibigang si Gemino ‘‘Jim’’ Bilasano, ang senior reporter ng Malaya at hardhitting Columnist ng Customs Balita at Bulacan Star na magdiriwang ng kanyang ika-49th bday sa Biyernes Santo.

Sana Jim huwag kang magpapako sa Krus.

Ang isyu, katakut-takot na batikos ang inabot ng mga officer ng Bureau of Jail Management and Penology, siyempre kasama todits at dehins nakalusot si Director Arturo Alit, bossing ng BJMP sa puso este mali pulso pala ng masa.

Palpak daw ang pamamalakad ng bureau kaya nagkaroon ng ratratan sa Bicutan jail noong Martes ng morning. Hindi biro ang natodas sa parte ng Abu Sayad este mali Sayyaf pala at taga-gobyerno.

Maraming buhay ang kinuha ni Lord at sangdamakmak na pitsa ang nasayang sa gobyerno sa isang iglap na pagkakamali ng mga kawani ng karsel.

Kaya ulo ni Alit ang gustong tapyasin ng mga urot. Sabi nga, command responsibilities!

Ang nangyaring Bicutan siege ay kapalpakan ng ilan at hindi ng karamihan. Ika nga, may layers of responsibilities at hindi command responsibility lamang.

Tama ba DILG bossing Angie Reyes, Your Honor?

Kung ang Alcatraz sa San Francisco del Monte este mali USA pala, ay natakasan kahit saksakan ng higpit at may matinding pondo para gamitin sa loob.

Andiyan din ang super higpit na Iwahig Penal Colony sa Palawan na kahit na sa gitna ng dagat ay natatakasan sa Bicutan pa kaya.

May pitsa kaya sa kulungan?

Paano nagkaroon ng cellphone sa loob ng isang maximum security cell? May libreng text na may libreng tawag pa. Compliments kaya ito ng mga jail guards sa Bicutan?

Iyan ang dapat alamin ng mga kinauukulan.

For information, kulang sa funding ang BJMP sabi sa mga kuwago ng ORA MISMO, P2.2 billion lang ang pondo nito yearly.

Eh, sangrekwa ang mga nakakulong sa buong kapuluan at nadagdagan pa everyday. Thirty five pesos per head lang ang budget para sa tsibog ng mga naghihimas ng rehas.

‘‘Paano maiiwasan ang naganap na siege sa Bicutan?’’ tanong ng kuwagong preso na may buni sa kaliwang talampakan.

‘‘Dapat may monthly reshuffle ang mga jail wardens to avoid familiarity,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Mukhang magastos ito?’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Paano magiging magastos eh may tsapit nga sa kulungan?’’

‘‘Diyan ka lang tumama, kamote!’’

ABU SAYAD

ANGIE REYES

BICUTAN

BIYERNES SANTO

BULACAN STAR

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CUSTOMS BALITA

DIRECTOR ARTURO ALIT

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with