Gaya ni Jesus, bawat isa sa atin ay mabigat na krus na pinapasan. Sa kasalukuyan, marami rin ang katulad ni Pilato na naghuhugas-kamay sa mga kasalanan. Sa mga hukuman ay mayroon pa ring mga tinaguriang hoodlums in robe. Marami ang napaparusahan ng walang sala at ang mga tunay na salarin ay nakakalaya. Maraming kasong mananatiling walang kalutasan gaya ng pagpatay kay Ninoy Aquino, Bobby Dacer at sa kanyang tsuper at ang malagim na wakas ng artistang si Nida Blanca.
May mga nasentensiyahan ng bitay pero hindi naman naipatupad ang hatol ng batas sa mga kadahilanang nalalambungan ng pag-aagam-agam at takot sa kapangyarihan ng ilang maimpluwensiya sa lipunan. Nagrereklamo ang pamilya ng mga biktima ng karahasan sa kawalan ng hustisya at maging ang mga human rights victims ng nakaraang rehimeng Marcos ay sumisigaw ng katarungan sa pagyurak sa kanilang karapatan at dangal at maging hinihintay nilang kabayaran mula sa Marcos ill-gotten wealth ay hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila napapakinabangan.