Iyan ang dahilan kung bakit maraming kompanya na nag-ooperate sa area ng Laguna ang hindi makakuha ng ISO 140001 accreditation dahil wala silang toxic waste treatment equipment.
Ang Japanese Chamber of Commerce ay nagpahayag ng kagustuhan na magtayo ng toxic waste equipment dito sa bansa at nasa proseso tayo sa pangangalap ng mga kompanya na magtatayo ng toxic waste plant equipment. Kung ito ay maisusulong, ang maaaring mamahala nito ay ang Natural Resources Development Corporation (NRDC) dahil ang toxic waste treatment plant ay kinakailangan ng malaking perang gugugulin. Mahal na ang pagpapatayo, mahal pa i-operate ito kaya kalimitan ayaw mamuhunan ang mga kompanya kung walang siguradong operasyon dito sa bansa.
Ang treatment ng toxic and hazardous wastes na galing sa mga expired na gamot, pesticides, metal and water sludges, mold runners, gamit na solvents at pintura, waste acids and bases, printed circuit boards, molding compounds at hospital wastes ay iba sa mga basura na galing sa mga kabahayan. Mas sophisticated ito at mas maraming pinagdadaanang proseso.
Kaya ang mga kompanya na hindi sumusunod sa treatment ng mga toxic and hazardous waste ay maaaring makansela ang Treatment Storage and Disposal Registration Certificate at ang Environmental Compliance Certificate; magmulta ng hindi lalampas sa P50,000 bawat paglabag; o patawan ng kasong criminal ang nasasangkot.