Bigyan ng pagkakataon si Gen. Lomibao
March 18, 2005 | 12:00am
MAKAKATULOG na nang mahimbing si Presidente Arroyo bunga sa pagpili niya kay Dir. Gen. Arturo Lomibao bilang bagong PNP chief. Kahit may ugong na naman ng panibagong kudeta, alam ni Arroyo na hindi siya pababayaan ni Lomibao at mga kaklase niya. Si Lomibao kasi mga suki ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 72 at kaklase niya sina Gen. Efren Abu ang AFP chief of Staff, Lt. Gen. Generoso Senga na Army chief at Vice Admiral Ernesto de Leon ang Flag Officer in Command ng Navy. Hindi lang yan. Napaligiran din si Lomibao ng kanyang mga kaklse sa kanyang staff at sa regional commands kayat sa tingin ng mga kausap ko, ligtas si GMA sa kung anumang karahasan, di ba mga suki? He-he-he! Tumpak lang ang desisyon ni GMA sa pagpili niya kay Lomibao. May angal pa ba kayo diyan sa Camp Crame?
Ayon naman kay Dir. Simeon Dizon, ang president ng Class 72, ibubuhos nila ang buong puwersa ng kaklase sa liderato ni Lomibao. We welcome with pride and humbled by President Arroyos decision to appoint Lomibao of the Masigasig Class at the countrys top cop. ani Dizon. Ang masasabi lang ni Dizon, si Lomibao ay isang dedicated and good intelligence, investigation at operations officer kayat angkop siya sa trabaho ng PNP chief nga. Lumaki siya sa intelligence kayat magaling siya sa intel management. Kasama ang kanyang experience sa CIDG, masasabi kong ang lahat ng ingredients para sa isang magaling na lider ng kapulisan natin ay nasa kanya na, ani Dizon.
Ayaw isa-isahin pa ni Dizon ang mga accomplishments ni Lomibao bunga sa alam niya ang sambayanan na ang dapat maghusga sa bagong PNP chief natin. Basta kaming buong klase, sa military man o sa PNP, solidly supports Lomibao all the way, aniya. Kung sabagay, wala nang dapat alalahanin pa si Lomibao sa hanay ng mga contenders na senior sa kanya dahil sila na rin mismo ay nangako at nanawagan na susuportahan ang kanyang liderato. Ang ginawa kasi ni GMA, itinaas niya ang puwesto ng mga karibal ni Lomibao kung saan doon na lang sila magreretiro. Si Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, ang deputy chief for administration ay magreretiro na sa Mayo 22 samantalang si Dir. Gen. Ricardo de Leon, ang deputy chief for operations ay sa Setyembre 10. Kaya magkaroon uli ng galawan sa pagretiro nina Velasco at De Leon.
Kung si Dizon ay nasa PRO 11 ang iba pa niyang mga kaklase na nasa puwesto sa ngayon ay sina Chief Supt. Clyde Cabreros sa PRO1, Chief Supt. Alfredo de Vera sa PRO2, chief Supt. Roland Albano sa PRO3, Chief Supt. Dante Tejada sa PRO 10, at Chief Supt. Eduardo Gador sa PRO 7. Sa staff position naman ay sina Dir. Quirino dela Torre sa directorate for comptrollership, Chief Supt. Jaime Lasar sa community relations, Chief Supt. Vic Luga sa Plans at Chief Supt. Rodolfo Tor sa directorate for research and development o DRD. Isama na sa listahan si Pangasinan Rep. Amado Espino, ang chairman ng Committee on Security and Peace and Order ng Kongreso. Kung ang lahat na yan ay susuporta kay GMA kokonti na lang ang problema natin sa peace and order, di ba mga suki? Bigyan pa natin ng konting panahon para husgahan itong si Lomibao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest