Chess gang
March 11, 2005 | 12:00am
MATAPOS ang anim na buwang pagsu-surveillance ng aming grupo, matagumpay na nahulog sa patibong ng BITAG ang kilabot na Chess Gang na nagkukuta sa Arayat, Cubao, Quezon City.
Isa lamang ang grupong ito sa aming mahabang listahan ng mga modus sa Cubao na umanoy pinatatakbo ng isang dating pulis.
Kabilang sa grupong ito ang sindikatong Lighter Gang, Sinturon Gang at Alahas Gang na nambibiktima sa kahabaan ng Cubao, Quezon City.
Sa isinagawang surveillance ng aming grupo noong nakaraang taon, tanging ang Chess Gang lamang ang pinaka-aktibong grupong nambibiktima.
Lakas ng loob at pagiging siga sa kalsada ang tanging puhunan ng mga dorobong ito. Karaniwang paninindak ang kanilang estilo sa mga pobreng biktima.
Madulas at parang palos ang mga ito kayat mahirap mahuli. Bukod dito, "Kangaroo" type rin ang estilo ng kanilang operasyon at hindi pumipirmi sa iisang lugar.
Alam naming panandalian lamang ang pananahimik ng grupong ito. Nabulabog lamang ang mga ito pero natitiyak naming muli na namang silang babalik sa kanilang bulok na modus.
Sa anumang impormasyong maibibigay sa aktibidades ng mga natitirang miyembro ng Chess Gang, ipagbigay-alam agad sa amin. May nakahanda nang patibong para sa kanila.
BITAG hotline nos. 932-8919 / 932-5310 at mag-text sa 0918-934-6417. Panoorin ang "BAHALA SI TULFO" live sa UNTV 37, Simulcast DZME 1530, Monday-Friday, 9:00-10:30 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".
Isa lamang ang grupong ito sa aming mahabang listahan ng mga modus sa Cubao na umanoy pinatatakbo ng isang dating pulis.
Kabilang sa grupong ito ang sindikatong Lighter Gang, Sinturon Gang at Alahas Gang na nambibiktima sa kahabaan ng Cubao, Quezon City.
Sa isinagawang surveillance ng aming grupo noong nakaraang taon, tanging ang Chess Gang lamang ang pinaka-aktibong grupong nambibiktima.
Lakas ng loob at pagiging siga sa kalsada ang tanging puhunan ng mga dorobong ito. Karaniwang paninindak ang kanilang estilo sa mga pobreng biktima.
Madulas at parang palos ang mga ito kayat mahirap mahuli. Bukod dito, "Kangaroo" type rin ang estilo ng kanilang operasyon at hindi pumipirmi sa iisang lugar.
Alam naming panandalian lamang ang pananahimik ng grupong ito. Nabulabog lamang ang mga ito pero natitiyak naming muli na namang silang babalik sa kanilang bulok na modus.
Sa anumang impormasyong maibibigay sa aktibidades ng mga natitirang miyembro ng Chess Gang, ipagbigay-alam agad sa amin. May nakahanda nang patibong para sa kanila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am