Babala sa mapanlinlang na ads ng mga ipinagbibiling condo units
March 9, 2005 | 12:00am
PINAG-IINGAT namin ang taumbayan sa mga pamanlinlang na advertisement na may kinalaman sa pagbebenta ng bahay at lupa sa mga subdivision at condominium partikular ngayong summer.
Parte ng kanilang mga promotion ay ang pagpapakalat ng leaflets at brochures kung saan makikita ang mapang-akit na istraktura ng kanilang itinatayong proyekto.
Lalo na kapag ang kanilang ibinebentang proyekto ay makikita pa lamang sa pamamagitan ng plano. Ito yung tinatawag na pre-selling.
Dito nagkakaroon ng problema ang ating mga kababayan dahil sa pagiging malikhain ng mga developers. Sa pamamagitan ito ng kanilang paggamit ng mga mapanlinlang na promotional materials.
Tulad ito ng paglalagay ng mga larawan ng mga sikat na artista. Sila ang ginagamit na tagapag-endorso ng mga naturang proyekto.
Ganito ang ginagawa ng ECE Realty Inc., ang developer ng mga nangungunang condominium sa lungsod ng Pasay. Kung saan ginamit sa kanilang brochure ang larawan ni Megastar Sharon Cuneta.
Ito raw ang dahilan kung bakit mabilis na naibenta ang mga units ng mga condominium partikular ang Central Park at ang Megal Park Condominiums, gayung hindi pa kumpleto ang proyekto.
Ayon sa mga unit owner, abot-langit ang kanilang pagsisisi ngayon. Mistula raw silang nagantsot nalinlang dahil naniwala silang ang condominium na ito ay talagang pag-aari ni Megastar Sharon Cuneta.
Ngunit naging taliwas ito sa kanilang paniniwala. Bukod sa hindi na sila safe bunga ng mahinang istraktura ng gusali, hindi rin natupad ang mga ipinangakong amenities ng developer.
Sa kasalukuyan, deklaradong condemned building ang Mega Park Condominium. At ang mga dating unit owners nito ay napilitang lumipat sa Central Park Condominium na pag-aari din ng ECE Realty Inc.
Ang problema, sa kasalukuyan, ang Central Park Condominium na merong 25 palapag, hinihiling na rin ng mga unit owners nito na ideklarang condemned building.
Dahil ito sa kahalintulad na problema ng Mega Park at iba pang condominium na pag-aari ng ECE Realty Inc. sa Pasay.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng aming grupo ang mga problemang idinulog sa aming tanggapan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended