Secretary Reyes napaglalangan ni Randy Sy
January 2, 2005 | 12:00am
IMBES na mataranta sa banta na all-out war na idineklara ni Interior Secretary Angelo Reyes laban sa illegal gambling, aba nakuha pa ni Manila video karera king Randy Sy na mag-expand ng kanyang negosyo. Sinabi ng mga kausap ko sa Western Police District (WPD) na naglatag pala nang mahigit 20 makina si Randy Sy sa kaharian ni Parañaque City Mayor Jun Bernabe. Siyempre pa, para malayo siya sa intriga, ginamit ni Randy Sy na dummy ang kanyang pinsan na si alyas Deo. At para hindi sila masyadong mahalata, naglatag si Randy Sy habang abala ang kapulisan sa kanilang paghahanda laban sa mga banta ng kriminalidad at terorismo nitong nagdaang Yuletide season. Kaya habang hindi nakatingin ang kapulisan natin, naglaro si Randy Sy sa Parañaque City at presto
masaya ang nagdaang mga araw nila. Si Sec. Reyes? Aba naiputan na naman siya ni Sy. Bakit kaya palaging napaglalangan ni Randy Sy si Secretary Reyes?
Ang nag-imbita pala kay Randy Sy sa Parañaque City ay si alyas Arnel, na sobra naman ang lakas kay Chief Supt. Willy Garcia, hepe ng Southern Police District (SPD). May basbas kaya ni Garcia si Arnel? Ano pa ba, di ba mga suki? At ang kausap ni Randy Sy ay sina SPO4 Cris Galanga at Sr. Insp. Harry Dineros ng City Hall detachment. Ang lingguhang intelihensiya ni Dineros ay dinadala sa bahay niya, anang taga-WPD. Palaging nakamotorsiklo kung pumasok si Dineros, anila. Ibig kayang sabihin nito may basbas din ni Mayor Bernabe ang tong collection ni Dineros? he-he-he! Ang taga-Parañaque lang ang may karapatang humusga sa kanya.
May katwiran namang mag-expand si Randy Sy dahil natunugan niyang masalimuot na ang sitwasyon ng negosyo niya sa Maynila. Kahit super bagyo siya sa ninong niyang si Manila Mayor Lito Atienza, eh hindi siya nakasisiguro na habambuhay na ito sa puwesto. May balita pang kumakalat sa ngayon sa WPD na bilang na ang araw ng kaibigan kong si WPD director chief Supt. Pedro Bulaong kayat dapat lang na mag-iba na siya ng pamumugaran, di ba mga suki? Kung sabagay, tulad ni Atienza, hindi rin habambuhay si Bulaong sa puwesto. Get nyo mga suki? Inaabangan kasi ng marami kung ano ang ianunsiyo ni Presidente Arroyo sa WPD anniversary sa Jan. 8.
At habang patuloy na nakalatag ang mga ma- kina ni Randy Sy, lalo namang nagiging komiko si Reyes. Hindi naman kaila sa inyo mga suki na panay pananakot ni Reyes ng abot langit na kaparusahan sa illegal gambling pero may tumalima ka sa pag-iingay niya? Parang may pumipigil sa mga kamay na bakal ni Reyes.
Kung hindi mapigilan si Randy Sy at mga alipores niya sa pagkalat ng video karera sa Metro Manila, aba hindi rin namamahi- nga ang grupo nina Cruto at Oton sa pagnanakaw ng mga makina. Gamit ang isang pampasaherong jeep, umiikot itong sina Cruto at Oton sa Maynila, at sa sakop ng SPD at Northern Police District (NPD) para manghakot ng makina. Nagpapakilalang pulis ang grupo, anang taga-WPD. Abot ng grupo nina Cruto at Oton ang mga puwesto ng video karera dahil dati silang kolektor. Kaya panay happy days ang mga financiers ng video karera dahil may salot na gumagala sa katauhan nina Cruto at Oton. Si Reyes kaya happy din sa sitwas-yon ng illegal gambling sa bansa? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest