Buwisan ang text imbis na gasolina
December 20, 2004 | 12:00am
SINO ba ang gusto magbayad ng dagdag na buwis. Natural lang na lahat tayo pumalag sa dagdag pang pataw. Pero krisis tayo ngayon sa pondong pambayad-utang. Lahat kailangang magsakripisyo. At ang mas maykaya, dapat lang mas malaki ang sakripisyo.
Unang nais ng administrasyon Arroyo patawan ng franchise tax ang telecoms firms. Malaki ang kita nila; nung 2003 mahigit P180 bilyon. Pero 7% lang ang binayad na buwis: P12.5 bilyon. Ang maliliit na negosyante’t propesyonal, 30% ang binabayad na buwis.
Hindi tinuloy ni President Arroyo ang franchise tax nang manakot ang telecoms firms. Kesyo ipapasa raw nila sa customers ang buwis, at tataas ang presyo ng texting. Umatras si Gng. Arroyo. Itataas na lang daw ang value-added tax ng lahat mula 10 hanggang 12%, huwag lang magalit ang milyon-milyong texters. At aalisin daw ang VAT exemption sa langis.
Aray! Mas masakit sa maliliit at mahihirap ang nais ni Gng. Arroyo. Hayaan na lang sana niya ipasa sa customers ang telecoms franchise tax. Kung tumaas ang texting rates, okay lang. Para lang din ‘yan pagtaas ng buwis sa alak at sigarilyo. Ipapasa rin ang buwis sa manginginom at nagsisigarilyo. Pero walang ibang masasaktan. Hindi maaapektuhan ang presyo ng pagkain, damit, pabahay, tubig, kuryente o pasahe.
Pero tingnan ang magiging epekto ng dagdag na VAT sa lahat, pati sa gasolina, diesel, LPG at bunker fuel. Magmamahal lahat ng basic goods. Ang de-lata, tataas. Ang pasahe, gan’un din. Ang pump prices, dagdag P3 kada litro. Ang pagdala ng pagkain mula bukid hanggang siyudad, tataas. Ang kuryente at tubig, magiging mas magastos iluwal. Ang mga gawang pabrika, hindi na mabibili. Tapos, tatamaan pa ang maliliit na negosyante at propesyonal. Mapipilitan sila magbawas ng empleyado. Mahal na nga ang bilihin, wala pang suweldong pambili ng basic necessities.
Kalkulahin muna sana ng administrasyon ang epekto ng 12% VAT kontra sa telecoms franchise tax. Ang pagbubuwis, dapat ay progresibo at makatarungan. Ang mas malaki ang kita, mas malaki ang buwis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended