^

PSN Opinyon

Mahalaga ang pagkilos at paggalaw

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
HABANG nabubuhay ang tao kailangang gumalaw ang lahat ng parte ng katawan lalo na ang mga buto at kasukasuan. Kapag hindi na gumagalaw ang mga ito nangangahulugan ito ng kamatayan na hindi lang nasusukat sa pagtigil ng paghinga, pagpintig ng puso at pagkurap ng mga mata.

Ayon kay orthopedic surgeon Dr. Rene Santos mahalaga ang tamang pagkilos ng bone joints. Malaking problema kapag hindi maigalaw ang balikat, siko, daliri, tuhod at pigi.

Sabi ni Dr. Santos ang kapansanan ay pangkaraniwang nakukuha sa katandaan at pinsala sanhi ng pagkahulog, pagkadulas, impeksyon, rayuma, arthritis, tumor o kanser. Subalit sa makabagong paraan ang mga nasabing bahagi ng katawan ay napapalitan at nagagamit sa limitadong paraan sa pamamagitan ng replacement ng iba’t ibang uri ng metal na hindi kinakalawang at hindi nagbibigay ng sakit sa katawan. Gamot din ang porselana at plastik.

Ang karaniwang pinapalitan ay ang pigi at ang tuhod dahil ang mga ito ang nagdadala ng bigat ng katawan. Ang mga daliri na hindi maibaluktot ay napapalitan din ng silicone. Sabi pa ni Dr. Santos ang huling paraan ay ang micro surgery na paglilipat ng isang bahagi ng katawan sa napinsalang bahagi gaya ng daliri sa kamay at daliri sa paa.

AYON

DR. RENE SANTOS

DR. SANTOS

GAMOT

KAPAG

MALAKING

SABI

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with