Ingatan ang sugat kapag may diabetes
December 5, 2004 | 12:00am
NARITO pa ang mga kasagutan ko sa mga nagpadala ng kanilang katanungan. Humihingi ako ng paumanhin sapagkat ngayon lang ito nailathala.
Para sa katanungan ni Jose Coloma ng La Piñas: Kung mayroon kang diabetes, maaari kang mag-take ng Diamicron. Ang FBS of 24 ay hindi gaanong masama subalit ito ay nasa upper level na. Ang gamot na tini-take mo para sa iyong blood pressure ay tama. Kung ang diabetes mo ay hindi nakokontrol, huwag mong hayaang ikaw ay magkaroon nang malaking sugat sapagkat maaari itong mauwi sa gangrene. Tungkol naman sa iyong mga mata, maaari kang magpatingin kay Dr. Juan Lopez ng St. Lukes Hospital.
Para kay G. F. Florentino Limpiada ng Marinduque: Uminom ka nang maraming tubig upang malunasan ang cystitis. Maaari kang mag-take ng antibiotics. Kapag ang sintomas ay patuloy pa rin, makabubuting kumunsulta ka na sa doctor.
Para kay Gerlie, Capali ng Bataan: Uminom ka nang maraming tubig. Maaari kang humingi ng tulong sa mga doktor sa Philippine General Hospital o sa Jose Reyes Medical Center kung nais mong mag-avail ng libreng treatment.
Para kay Helson Juagpao ng Marilao, Bulacan: Maaaring meron kang skin allergy. Subukan mong gamitin ang Lidex NHN sa iyong skin at maaaring makatulong ito. Kung kinakailangan, makabubuti kung kukunsulta ka sa dermatologist para sa iyong problema.
Para kay L. A. Caguin ng Paete, Laguna: Ang edad na 57 ay hindi pa masasabing maaaring magkakaproblema sa pakikipag-sex. Ang pag-take ng Viagra ay mayroong epekto sa pakikipagtalik subalit kung ito ay hindi umeepekto sa iyo, makabubuting kumunsulta ka sa doktor sa Maynila. Makatutulong sa iyo ang mga doktor sa Manila Sanitarium.
Para kay G. Gresula ng Caloocan City: Kung ikaw ay nagti-take ng anti-diabetic medicines, karaniwan nang ikaw magkakaroon ng sexual problems. Tama ka sa pagsubok sa mga method na iyong binanggit subalit mas madalas na hindi ito epektibo.<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest