^

PSN Opinyon

Ang Pariseo at tagakolekta ng buwis

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
PARA sa Linggong ito, may isang talinghagang ibinigay si Jesus para sa mga nagmamagaling sa sarili at mga taong nanghahamak ng iba. Tila madaling iangkop ang talinghagang ito sa ating mga sarili. Hinahamon tayo nito na pagnilayan ang ating mga sarili.

Kapag binasa ninyo ang talinghagang ito, subukan ninyong tingnan kung ihahambing ninyo ang inyong sarili sa Pariseo o sa tagakolekta ng buwis (Lk. 18:9-14).

Sinabi rin niya ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. "May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: Ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: "O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga nangangalunya -— o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita." Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo; hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: "O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!" Sinasabi ko sa inyo: Ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."


Marahil may mga pagkakataon na ang ating gawi ay parang katulad ng sa Pariseo, at nahihiya tayo sa ating sarili. Tunay nating inaasam na maging mapagpakumbaba tulad ng tagakolekta ng buwis. Inaamin natin ang ating mga kasalanan. Nahihiya tayo sa harap ng Diyos. Tayo ay tunay na nagsisisi sa mga nagawa nating kasalanan– malaki man o maliit. Nais nating maging matuwid sa harapan ng Diyos.

DIYOS

HINAHAMON

INAAMIN

KAPAG

LINGGONG

LK

O DIYOS

PARISEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with