Ang balo at ang hukom
October 17, 2004 | 12:00am
MADALI ba kayong manghinawa sa pagdarasal kapag hindi natutugunan agad ang mga ipinapanalangin? Ang talinghaga sa Ebanghelyo para sa araw na ito ay nagtatagubilin na magpunyagi sa pananalangin.
Mahirap ang magpunyaging manalangin. Maraming abala na nakaaagaw ng ating pansin. Ang ating isip ay naglalakbay sa ibat ibang lugar at natutuon sa ibat ibang mga bagay. Kaya pinaaalalahanan ni Jesus ang kanyang mga alagad na magpunyagi sa pananalangin (Lk. 18:1-8).
Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. "Sa isang lunsod," sabi niya, "may isang hukom na hindi natatakot sa Diyos at walang taong iginagalang. Sa lunsod ding iyon ay may isang babaing balo na punta nang punta sa hukom at humihingi ng katarungan. Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng ilang panahon. Ngunit nang malaunan ay sinabi nito sa sarili: "Bagamat hindi ako natatakot sa Diyos ni gumagalang kaninuman, igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing ito sapagkat lagi niya akong ginagambala - baka pa ako mainis sa kapaparito niya." At sinabi ni Jesus, "Narinig ninyo ang sinabi ng masamang hukom. Hindi ipagkakait ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, bagamat tila nagtatagal iyon. Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao sa daigdig na ito, may makikita kaya siyang mga taong nananalig sa kanya?"
Mapilit ang babaing balo. May problema siya at nais niyang magpasya agad ang hukom upang siyay magkaroon ng katarungan. May makasariling motibo naman ang hukom. Nais niyang huwag nang magambala ng makulit na balo. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na ang Diyos, hindi tulad ng hukom, ay palaging tumutugon sa ating mga panalangin kapag tayoy mapagpunyagi.
Kapag may kailangan tayo sa Diyos, dapat magpunyagi sa pagdarasal. Hindi tayo dapat sumuko agad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended