Malaki rin umano ang isinuhol ng sindikato sa ilang piling mga tiwaling media practitioner upang lumikha ng demolition job. Ang layunin umano ng sindikato ay upang sirain ang kridibilidad ng AID SOTF official, lalo na yaong identified kay Aglipay, upang maligwak ang mga asuntong isinampa sa korte. He-he-he! Gustong bumawi ng mga loko, di ba mga suki?
Si Senior Superintendent Federico Laciste, ang dating Senior Executive Assistant ni chief PNP ay naging sentro ng demolition job ng sindikato ng pamunuan nito ang pagsampa ng kaso sa Cebu City matapos na salakayin nila ang warehouse ng shabu roon. Nagawang maghain ng Temporary Restraining Order (TRO) ang grupo ng sindikato at gumagawa ng hakbang ang mga ito upang humina ang kredibilidad ang naturang ahensya.
Ayon kay Laciste "It is significant to note that the lawyer who initiated the TRO case is the lead defense counsel of the arrested suspects accused in the operation of three shabu laboratories in Mandaue City." Lumabas din ang tunay niyang kulay, di ba mga suki?
Habang sinususugan ang naturang kaso, sangkaterbang death threat na ang natanggap ni Laciste mula sa sindikato. Maging ang kanyang mga tauhan at mga testigo ay gayon din ang palaging nakakatanggap din ng death threats. Umabot na sa 43 death threats ang natanggap ni Laciste at sa tingin niya madadagdagan pa ito sa darating na mga araw.
At maging si Superinten- dent Nelson Yabut, Chief of the Special Operation Unit 1 ng AID SOTF ay nagsabing ang mga drug traffickers ay nagri- recruit na ng high caliber lawyer upang idepensa ang ilan nilang mga miyembro na nakalaboso matapos ang mahigpit na panana-lakay ng mga taga-AID SOTF.
Ang layunin umano ng sindikato ay sirain ang kredibilidad ng mga pulis at upang lusawin ang mga physical evidence na nai-presinta sa korte. Ayon pa kay Yabut may isang retiradong police general na dating nakatalaga sa PNP Crime Laboratory ang nagsisilbing abogado ni Jack- son Dy , ang bigtime operator ng Tanza, Cavite shabu laboratory.
"The demolition job that had been launched with the relent- less publication of fabricated derogatory reports against the anti-narcotics operatives was coupled with overt intimidation of our witnesses," ayon pa kay Yabut.
Ang demolition job laban sa mga trusted officers in Aglipay ay bunga umano sa walang bahid ng dumi na makikita sa imahe ng PNP chief. "The PNP chiefs immaculate image has enabled him to rise above any controversy," ani Yabut. Kayat imbes na si Aglipay ang tirahin nila sa mga bataan niya sila nagko-concentrate sa ngayon. Pero nangako naman ang mga bataan ni Aglipay na kahit abot langit pa ang demo-lition job laban sa kanila hindi sila hihinto sa pakikibaka nila sa droga. Aba dapat lang no, di ba mga suki?
Imbes na mawalan ng gana sa trabaho, nangako sina Yabut at Laciste na lalo nilang paiigtingin ang kampanya laban sa droga tulad ng inaasahan ni GMA.