^

PSN Opinyon

Paalala bago mag-Badminton

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BADMINTON ngayon ang paboritong laro ng mga Pinoy. Ayon sa mga sports enthusiasts pumapanga-lawa ang badminton sa basketball sa dami ng nahi-hilig na maglaro nito. Paraan ang pagbabadminton sa pagbabawas ng timbang. Gaya ng basketball puwedeng outdoor o indoor ang badminton. Strenous at talaga namang pagpapawisan ng husto sa larong ito pero bago mag-badminton, dapat sumangguni sa doktor.

May mga pangyayaring naiulat tungkol sa mga nahihimatay habang nagba-badminton at kabilang dito si Senator Loi Estrada na nag-collapsed kamakailan habang nagba-badminton.

Tulad ng pagdya-jogging dapat bago magbadminton ay may proper preparation. One hour before playing ay uminom ng tubig at every 30 minutes ay uminom ng tubig o sumipsip ng fruit juice. Dapat na may liquid sa katawan kapalit ng sobrang pagpapawis at para maiwasang ma-dehydrate. Sa sobrang pagpapawis ay bumababa ang Vitamin B content sa katawan.

Dapat na kumain ng proper diet at huwag mag-skip ng almusal at hapunan. Dapat na maging physically fit para maiwasan ang panginginig ng laman, panandaliang pagkawala ng fluid sa brain at pamumulikat. Dapat na ang isuot ay tamang damit panlaro at sapatos. Matapos magbadminton ay huminga na nakataas ang mga paa at siguruhing properly-ventilated ang lugar na paglalaruan.

AYON

BADMINTON

DAPAT

GAYA

MATAPOS

PARAAN

PINOY

SENATOR LOI ESTRADA

STRENOUS

VITAMIN B

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with