^

PSN Opinyon

EDITORYAL – ‘Textbulok’ para sa mga estudyante

-
HINDI na nakapagtataka kung maraming estudyante ngayon ang bumabagsak at hindi kaya ng kanilang utak na makapag-high school. Bukod sa mahihina ang guro, palpak din ang mga textbooks. Ngayon ay kailangan pang dumaan sa "bridge program" para lamang makaakyat sa first year. Nakaaawa naman ang mga estudyanteng inaasahan ng mga magulang na maraming nalalaman at sa hinaharap ay magdadala sa kanila sa tagumpay. Ang kahinaan o kabobohan ng mga estudyante ay hindi lamang makikita sa mga pampublikong school kundi ganoon din sa ilang pribadong eskuwelahan. Maraming estudyante ngayon ang mahina sa English, Math at Science. Pero nararapat na ring idagdag ang History bilang ikaapat na subject na mahina ang mga estudyante.

May katwirang maging mahina sa History sapagkat natuklasan na maraming mali ang History textbook na idinistribute sa mga public high schools sa buong bansa. May 431 "factual and grammatical errors" ang History book na "Asya 2000: Noon, Ngayon at sa Hinaharap" batay sa pagsusuring ginawa ng isang academic supervisor ng Marian School sa Sauyo, Novaliches, Quezon City. Sinabi ni Antonio Calipjo-Go na error-riddled ang librong inilathala ng Vibal Publishing sa pamamagitan ng sister company nitong SD publications. Noon pang 1997 naapproved ang libro para gamitin ng mga second year high school students.

Paano nakalusot sa Department of Education (DepED) ang ganitong tadtad na maling textbook? Hindi ba ito nirerebisa muna ng mga opisyales ng DepEd bago mag-imprenta nang maraming kopya. Tinatayang nasa 1.1 million kopya ang naipamahagi na ng DepEd sa may 5,000 high schools sa buong bansa.

Kung 1997 pa naipamahagi ang textbook na ito, marami nang estudyante sa high school ang nakalunok nang maling impormasyon at maling grammar. Hindi nakapagtataka na maraming estudyante ang nahihirapang mag-English carabao ngayon.

Umalingasaw ang textbook scam sa panahon ni dating President Joseph Estrada. Sa Malacañang pa nagkaroon ng suhulan. Wala namang pating na nahuli at bagkus mga dilis lamang ang nalambat. Hanggang ngayon, wala nang nakaaalam kung ano na ang nangyari sa scam na iyon.

Nararapat kumilos ang DepEd sa palpak na textbook o mga "textbulok". Kakahiya kung magpapatuloy pa ang pagsasaksak ng mga mali sa kukote ng mga estudyante.

ANTONIO CALIPJO-GO

DEPARTMENT OF EDUCATION

ESTUDYANTE

MARIAN SCHOOL

NGAYON

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

SA MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with