^

PSN Opinyon

Eight O'Clock Story (Huling Bahagi)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KINAKAILANGANG umpisahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang seryosong trabaho na makalikom ng pondo ang ating bansa. Ngayong nalalagay ito sa ‘‘fiscal deficit’’.

Hinahamon namin ang mga taga-BIR na umpisahan na ang kanilang wastong trabaho. Dapat agad silipin ng BIR ang mga buwis na binayad ni Dante Go. Partikular na nu’ng naibenta niya ang Sugarland Corporation na may gawa ng Eight O’Clock orange juice noon sa halagang P1.9 billion, gayong ang tunay na halaga nito ay P150 million lamang.

Eto ang problema sa mga negosyanteng Intsik tulad nitong mandurugas na si Dante Go, isama na natin ang number 1 smuggler sa ating bansa na si Lucio Lao Co, ayon na mismo kay Senator Alfredo Lim sa naganap na Senate Hearing kamakailan lang.

Marami pa ang mga manggagantsong negosyanteng malalapit daw sa Malacañang na ayaw magsibayad ng tamang buwis. Ilan sa kanila ay yung mga hipokritong agad tumugon sa panawagan ng Malacañang na mag-ambag ng donasyon sa ‘‘Bayanihan Fund.’’

Kahit na mag-ambag ang mga ito ng milyun-milyong piso, wala ito sa katiting ng mga bilyones na kanilang nanakaw, pagsama-samahin na natin.

Tama ang sinabi ni LANCE GOKONGWEI, hindi sagot ang mga milyones na donasyon para sa bansa. Kailangan daw lang ay magsipagbayad ng tamang buwis ang mga negosyanteng tulad ni Dante Go, Lucio Co, et. al.
* * *
Narito ang isang mensahe na gusto naming ipaabot diretso kay Dante Go sa natitirang espasyong ito…

Dati rin po akong displayer ng TANG sa Unimart. Tumpak kayo Mr. Ben Tulfo sa sinabi n’yo tungkol kay Dante Go. Standard Operating Procedure (SOP) sa kanila yung magnakaw ng espasyo sa eskaparate ng TANG noon.

Pag hindi nagawa ng ahente, displayer o coordinator ng Eight O’Clock noon na pag-aari ni Dante, tanggal siya sa kanyang trabaho.

Gawain nitong si Dante Go na pumunta sa mga supermarket. Dinuduro ang mga displayer ng TANG. Bukambibig nitong si Dante, ‘‘magkano ka ba?’’ Kaya naman yung mga alipores na sipsip kay Dante Go ay ganon din kabastos ang ugali.
–(name and cellphone number withheld).

Nagpapasalamat ako sa sangkaterbang mga impormasyong nagdagsaan sa BAHALA SI TULFO tungkol sa pandurugas ni Dante Go sa ating gobyerno. Kasalukuyan namin itong pinag-aaralan at iniimbestigahan pa.

Hindi dito nagtatapos ang aming paglalantad.
* * *
BITAG hotline numbers para sa mga NAAABUSO, NAAAPI, at BIKTIMA ng PANLOLOKO o anumang uri ng katiwalian, tumawag sa mga numerong ito 932-8919/932-5310 at mag-text sa 0918-9346417. Panoorin ang ‘‘BAHALA SI TULFO’’ live sa UNTV 37, Monday-Friday, 9:00-10:00 ng umaga.

BAYANIHAN FUND

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DANTE

DANTE GO

EIGHT O

LUCIO CO

LUCIO LAO CO

MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with